Angelica, Gregg excited sa 1st day ni Baby Bean sa school

Angelica, Gregg excited sa 1st day ni Baby Bean sa school: Proud parents

Ervin Santiago - June 04, 2024 - 06:45 AM

Angelica, Gregg excited sa 1st day ni Baby Bean sa school: Proud parents

Angelica Panganiban, Gregg Homan at Baby Bean

SUPER excited ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban sa panibago na namang milestone sa buhay ng kanyang anak na si Amila Sabine.

Sa bago niyang YouTube vlog, ibinahagi ng first-time mom kung ano nararamdaman niya at ng asawang si Gregg Homan ngayong nag-aaral na si Amila.

Ipinasilip ng mag-asawa ang ilang eksena sa unang araw ng pagpasok ng kanilang panganay na anak sa school kamakailan.

Ayon kay Angelica, hindi niya maipaliwanag ang kaligayahang nadarama ngayong pumapasok na sa school si Amila.

Baka Bet Mo: Angelica Panganiban may pa-face reveal ni Baby Bean: ‘Hello world!’

Sey ng aktres sa description ng ipinost nilang 15-minute vlog, “Yes guys she’s going to school na and we are very excited for her.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica P Homan (@iamangelicap)


“Ang saya saya namin for her at nakakataba ng puso na makita siyang nakikipag-socialize and learning as well!

“Proud parents here, so hope you guys enjoy this video,” ang nakasaad pa sa caption ng video.

Mapapanood sa naturang vlog na talagang nag-enjoy ang bagets sa ginawa nilang mga activities sa school kasama ang kanyang mga teacher at classmates.

Ipinakita rin sa vlog ang ginawang paghahanda ni Angelica para sa baon ng anak gamit ang isang lunch box.

Dalawang beses ikinasal sina Angelica at Gregg, una sa Los Angeles, California at ang ikalawa ay sa Siargao Island. Isinilang ang kanilang unang anak na si Baby Bean noong September 20, 2022.

* * *

Inilunsad ni Jamie Rivera ang bagong inspirational song na “Ningas ng Pag-asa,” ang Filipino version ng official hymn ng Jubilee 2025 na pinamagatang “Pilgrims of Hope.”

Baka Bet Mo: Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Si Maestro Francesco Sequeri ang sumulat ng “Pilgrims of Hope” na mismong tema ng The Jubilee 2025 na karaniwang ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko kada 25 taon.

Si Jamie naman ang bumuo ng Tagalog version na inilabas sa ilalim ng Inspire Music label ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mary Jane Cruz Mendoza (@jamierivera8295)


Tampok din sa awitin ang grupong 92AD na siyang nagbigay-buhay sa “Jubilee Song (The Great Jubilee)” ng taong 2000 na isinulat ni  Fr. Carlo Magno Marcelo.

Bago ang “Ningas ng Pag-asa,” maraming praise songs na ang inawit ni Jamie na talaga namang tumatak sa mga Pilipino. Kabilang dito ang “Only Selfless Love,” Tanging Yaman,” “We Are All God’s Children,” at iba pa.

Noong nakaraang taon, inilabas din niya ang collaboration singles na “3 in 1” at Faith, Hope, and Love.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapakinggan na ang “Ningas ng Pag-asa” sa iba’t ibang music streaming platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending