Angelica Panganiban ibinandera ang sweet video nila ni Bean

Angelica Panganiban ibinandera ang sweet video nila ni Bean

Therese Arceo |March 26,2024
facebook
share this

Angelica Panganiban ibinandera ang sweet video nila ni Bean

Therese Arceo - March 26, 2024 - 10:47 PM

Angelica Panganiban ibinandera ang sweet video nila ni Bean

NAANTIG ang puso ng mga netizens sa simpleng bonding moments ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang baby girl na si Bean.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera ng aktres ang video nila ni Bean kung saan makikitang nakahilig ang kanyang ulo sa binti ng anak habang nanonood ito.

Ngunit ang nakakatunaw ng puso ay ang pasimpleng paghagod ni Bean sa buhok ni Angelica at ang cute nitong pagngiti at pagkaway nang makitang kinukunan siya ng video ng ina.

Kita rin ang saya at kilig sa mga mata ng aktres nang makita ang reaksyon ng anak.

Baka Bet Mo: Angelica Panganiban muntik mag-breakdown bago makauwi sa kanyang mag-ama: Buti umabot ako bago matuluyan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

“Simple joys with my little angel,” caption ni Angelica sa kanyang post.

Marami naman sa mga netizens pati na rin mga celebrity friends niya ang nag-comment sa kanilang short cute moment together.

“Ang cute [three black emojis],” saad ni Kim Chiu.

Comment naman ng isang netizen sa post ni Angelica, “Ang laki na agad ni Bean! Nakasubaybay ako since nag start si Mommy ng vlog.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“awwwwwww sarap namann!” sey ni Ana Feleo.

Samantala, nito lang nang muling magsama-sama sina Angelica, Kim Chiu, at Bela Padilla na kilala rin bilang “AngBeKi”.

Bukod sa kanilang reunion ay nakipagkulitan rin ang mga ito kay Baby Bean.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending