Angelica 'super thankful' sa mga tumulong sa kanyang kasal

Angelica Panganiban ‘super thankful’ sa mga tumulong sa kanyang kasal

Pauline del Rosario |January 06,2024
facebook
share this

Angelica Panganiban ‘super thankful’ sa mga tumulong sa kanyang kasal

Pauline del Rosario - January 06, 2024 - 04:47 PM

Angelica Panganiban 'super thankful' sa mga tumulong sa kanyang kasal

PHOTO: Instagram/@iamangelicap

MATAPOS ang appreciation post para sa mister na si Gregg Homan, isa-isa namang pinasalamatan ng aktres na si Angelica Panganiban ang lahat ng tumulong sa kanyang kasal.

Sa Instagram, nag-post ulit ng ilang pictures si Angelica sa naganap na intimate wedding nila ng asawa, kalakip ang thank you message sa kanyang mga kaibigan at pamilya.

“Kailangan ko lang magpasalamat sa mga tao na bumuo, walang nagawa at kumilos na lang, kasabay namin tumalon, tumakbo at ginamit ang lahat ng kapasidad nila mabuo lang ang mga hiling namin sa araw na ito,” sey ni Angelica sa kanyang post.

Kabilang sa mga binanggit niya ay ang kanyang sisters na gumawa ng DIY wedding arch, ang kaibigan at film director na si Andoy Ranay na hindi sila iniwan mula umpisa, ang brother niya na nag-secure ng wedding venue at party need ng event, at ang kanyang makeup artist na si Mikka Marcaida.

Bukod sa kanila, lubos din ang pasasalamat ni Angelica sa kanyang celebrity friends na sina Bela Padilla at Kim Chiu na nagdala ng wedding cake at bouquet.

Baka Bet Mo: Kuko ni Angelica agaw-eksena sa kasal nila ni Gregg: Ba’t parang ang dumi!?

“Momsy Bels and Momsy Kimmy, wala man sa plano ang pag-arrive niyo sa [Los Angeles], pero ‘yun na yata ang pinakamasayang parte ng wedding,” wika pa niya.

Dagdag pa niya, “Pakiramdam ko, hindi lang ako kinasal kay Gregg; kinasal din ako sa inyong dalawa. Pang habangbuhay na ‘to. Love you both.”

“To my family here in LA, mula noon wala kayong pagkukulang sa pag-aalaga sakin kapag nandito ako,” sambit niya.

Ani pa niya, “Ngayon, hindi na lang ako inaasikaso niyo. Kasama na si Gregg and Beanie.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Makikita sa comment section na hanggang ngayon ay bumubuhos ang “congratulatory” messages para sa bagong kasal.

Kung matatandaan, Bagong Taon ng 2021 nang ibinunyag ni Angelica ang relasyon nila ni Gregg.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2022 nang inanunsyo niya ang kanyang pagbubuntis sa first baby nila ng mister na si Amila Sabine.

Noong nakaraang taon naman nang ma-engage silang dalawa at makalipas ang ilang buwan ay ikinasal na sila noong December 31.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending