Angelica emosyonal sa unang kaarawan ni Baby Amila: '1 taon na 'kong baliw sa 'yo, mahal na mahal kita nang wagas!' | Bandera

Angelica emosyonal sa unang kaarawan ni Baby Amila: ‘1 taon na ‘kong baliw sa ‘yo, mahal na mahal kita nang wagas!’

Ervin Santiago |September 20,2023
facebook
share this

Angelica emosyonal sa unang kaarawan ni Baby Amila: ‘1 taon na ‘kong baliw sa ‘yo, mahal na mahal kita nang wagas!’

Ervin Santiago - September 20, 2023 - 11:20 AM

Angelica emosyonal sa unang kaarawan ni Baby Amila: '1 taon na 'kong baliw sa 'yo, mahal na mahal kita nang wagas!'

Angelica Panganiban at Baby Amila

“SA kabila ng lahat ng kaba, ikaw ang naggabay sakin kung pano maging isang ina!” ang bahagi ng mensahe ni Angelica Panganiban para sa first birthday ng kanyang anak.

Nagse-celebrate ngayong araw, September 20, ng kanyang unang taong kaarawan ang panganay nina Angelica at Gregg Homan na si Baby Amila Sabine Homan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng throwback photos ni Baby Amila ang Kapamilya actress kalakip ang emosyonal na mensahe para sa first birthday ng anak.

“Punong puno ng takot ang buong pagka tao ko ng ganitong oras last year. Marahil dahil sa dami ng mga hindi ko alam gawin,” ang simulang pagbabahagi ni Angelica.

“Sa lahat ng duda. At nang sa hindi ko na mapigilan ang grand entrance mo,” dagdag pa niyang pahayay sa caption ng kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa ng celebrity mommy, “Sa kabila ng lahat ng kaba, ikaw ang nag gabay sakin kung pano maging isang ina.

“Hindi perpekto, pero sapat. Yun naman ang mahalaga. Salamat salamat salamat ng paulit ulit sa pinakamasayang chapter ng buhay ko,” sabi pa ni Angge.

Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ng aktres na baliw na baliw siya ngayon kay Baby Amila at muling ibinandera sa buong universe ang abot-langit na pagmamahal niya sa anak.

Baka Bet Mo: Andrea Torres puring-puri ng netizens sa pagganap bilang ‘Sisa’: Sasabog ang puso ko!

“Happy birthday love. Isang taon na kong baliw sayo. Ilang taon pa kaya tayo magiging baliw sa isat isa? Mahal na mahal kita ng wagas,” ani Angge.

Bumuhos naman ang pagbati ng kanyang IG followers at kapwa celebrities para sa kaarawan ni Baby Amila. Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin.

“Happy birthday bean and happy BIRTH day to you kambal. You are an amazing mama,” mensahe ni Anne Curtis.

Sey naman ni Kim Chiu, “Happy birthday dearest bean!!!! and congratulations momsy!!!! love you both!!!!”

“Happy Birthday Bean. you are both blessed to have each other,” mensahe ni Jodi Sta. Maria.

“Happy happy birthday, Baby Bean,” sey ni Angeline Quinto.

Comment ni Isabelle Daza, “Cutieee Bean. Happy burthday!”

Gregg Homan naiyak sa Father’s Day message nina Angelica at Baby Bean: ‘You get me every time, Honn! Daddy love you both so much!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Candy nilayasan ng asawa matapos manganak: Nagpaalam siya na maggo-golf pero hindi na umuwi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending