Candy nilayasan ng asawa matapos manganak: Nagpaalam siya na maggo-golf pero hindi na umuwi Bandera

Candy nilayasan ng asawa matapos manganak: Nagpaalam siya na maggo-golf pero hindi na umuwi

Ervin Santiago |May 04,2021
share this

Candy nilayasan ng asawa matapos manganak: Nagpaalam siya na maggo-golf pero hindi na umuwi

Ervin Santiago | May 04,2021 - 09:12 AM

MARAMING rebelasyon ang aktres na si Candy Pangilinan tungkol sa personal niyang buhay nang makachikahan ni Toni Gonzaga sa latest vlog ng TV host-actress.

Naging top trending topic pa nga ito sa YouTube Philippines kung saan napag-usapan nga nila ang mga challenges na hinarap ni Candy bilang single mom, pati na ang kanyang naging marital problems.

Kuwento ni Candy, bago pa raw siya ikasal sa dati niyang partner ay hindi na maayos ang kanilang relasyon at mas naging complicated pa ito noong nabuntis na siya.

“Actually ganito ‘yan, e, even before I got pregnant medyo malabo na kami. We were together for 10 years tapos nung ‘kinasal kami, medyo malabo na kami, even before kami ikasal.

“Mayroon na akong nahuli, mga ganyan. Pero kasi ‘yung babae ‘yung feeling mo parang…people change. Feeling ko a baby will save it. Kaya nag-decide ako magbuntis. So, nagbuntis ako, but no!” pahayag ng komedyana.

“Before I gave birth (kay Quentin) nandiyan pa naman siya, sinasabi niya sa akin iiwanan niya ako,” ani Candy.

Shocked naman si Toni sa narinig sabay sabing, “So, during the whole time na pregnant ka, emotionally?”

“Sinasabi naman niya sa akin at least nag-aabiso. Ang term pa nga niya ‘souvenir’ hindi ko makakalimutan ‘yun. I was very pregnant then,” sagot ni Candy.

Biktima rin ng “ghosting” ang aktres dahil bigla na lang nawala ang ex-husband niya matapos magpaalam na maglalaro lang ng golf.

“To make a long story short, I gave birth, a month I gave birth umalis na nga siya, hindi na siya umuwi. Nagpaalam naman siya sa akin, sinabi niya maggo-golf siya.

“Nagpaalam siya maggo-golf siya, tapos hindi ko na alam kung ano’ng butas ang tinira niya sorry! Ha-hahaha!” birong chika pa ni Candy.

At dahil sa tindi ng impact sa isip at puso niya ng mga nangyari, nag-decide siya na magpatingin na sa mga eksperto, “Nagpa-psychologists ako, kasi walang gamot, e. Pumunta ako sa psychologists, kasi sinasabi noong ex ko before, ‘baliw daw ako.’

“’Baliw ka,’ sabi niya ganyan ‘kasi pinaghihinalaan mo ako na may babae.’ Sabi ko, ‘So baliw ako,’ kaya siya umalis kasi baliw ako.

“Pero feeling ko talaga meron! Nagpa-check ako talaga sa doktor kung baliw ako. Hindi naman daw, totoong hindi ko naman bra yun,” chika pa ni Candy.

Sa ngayon, masaya at kuntento na si Candy sa buhay kapiling kanyang anak na napakarami ring naituro sa kanya para mas maging matatag at matapang sa buhay.

Sey pa niya, “He’s my ticket to heaven. Kasi grabe ‘yung tinuro niya sa akin. ‘Yung pasensya, ‘yung tolerance, tsaka ‘yung to live simply. ‘Yung ang simple ng buhay.

“Sobra siyang grateful and appreciative of simple things. Dati kasi, ako kailangan mo akong i-impress. Ngayon hindi na. Simple lang, nakakatuwa,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending