Gregg Homan naiyak sa Father's Day message nina Angelica at Baby Bean: 'You get me every time, Honn! Daddy love you both so much!' | Bandera

Gregg Homan naiyak sa Father’s Day message nina Angelica at Baby Bean: ‘You get me every time, Honn! Daddy love you both so much!’

Ervin Santiago |June 20,2023
facebook
share this

Gregg Homan naiyak sa Father’s Day message nina Angelica at Baby Bean: ‘You get me every time, Honn! Daddy love you both so much!’

Ervin Santiago - June 20, 2023 - 06:12 AM

Gregg Homan naiyak sa Father's Day message nina Angelica at Baby Bean: 'You get me every time, Honn! Daddy love you both so much!'

Gregg Homan, Angelica Panganiban at Baby Bean

PINUSUAN at umani ng sandamakmak na positibong reaksyon ang Father’s Day message ni Angelica Panganiban para sa kanyang partner na si Gregg Homan.

Maraming na-inspire at naka-relate sa naging pahayag ng Kapamilya actress patungkol sa tatay ng kanyang anak na si Amila Sabine o Baby Bean.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres kamakalawa, June 18, ng isang video clip kung saan mapapanood ang mga bonding moments nila ni Gregg kasama ang kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aside from the video, may kalakip ding madamdaming letter ang post ni Angelica kung saan abot-langit ang pasasalamat at papuri niya kay Gregg sa pagiging mabuti at responsableng partner at tatay sa kanilang baby.

Aminado kasi si Angelica na talagang nangulila siya sa pagkalinga ng isang ama noong kanyang kabataan. Hindi niya nakasama an tatay na si Mark Charlson na dating member ng US Navy.

Nakita at nakilala niya ang ama noong 2010 nang magtungo siya sa Los Angeles, California.

Ramdam na ramdam ng mga netizens ang matinding kalungkutan nang mabasa ang sulat ni Angelica para kay Gregg.

Baka Bet Mo: Angelica emosyonal sa binyag ni Baby Bean: ‘Grabe, naiiyak ako kasi ganito pala ‘yun…’

“Mula noon pa, kung saan saan ako naghahanap ng ibig sabihin ng pagmamahal ng isang ama.

“Madalas napapanood ko lang sa mga pelikula, nababasa sa mga libro, o paminsan nakikita ko sa mga kaibigan ko,” pahayag ni Angelica.

Aniya pa, “Hindi ko akalain na magiging mapalad ako ngayon, na nakikita at nararamdaman ko na siya. Napaka swerte ni Amila at ikaw ang una nyang pag ibig, kalaro at dada.

“Maraming salamat sa pagganap ng buong buo at higit pa. Mahal na mahal ka namin. Happy Father’s Day daddy,” sabi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sinagot naman ni Gregg ang message ni Angelica, “How not to cry po? You get me every time, Honn! Daddy love you both so much.”

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa post ni Angelica.

“I’m so happy to see Gregg, taking care of Amila. Gregg u are a good father to amila. Angelica u are lucky to have Gregg n im praying that I’m wishing u happiness n good health. Take care.”

“Happy Father’s day Mr. Greg ! Sana forever na ito coz deserve mo maging happy Angelica!”

“Indeed he is a great hands on father to Amila!”

Angelica, Gregg kasado na ang kasal next year, nagpadala na ng ‘save-the-date’ sa mga kapamilya, kaibigan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending