Angeli hindi lang sa paghuhubad palaban, magaling din sa putukan

Angeli Khang hindi lang sa paghuhubad palaban, magaling din sa ‘putukan’

Ervin Santiago - May 23, 2024 - 09:42 AM

Angeli Khang hindi lang sa paghuhubad palaban, magaling din sa 'putukan'

Angeli Khang, Ruru Madrid at Rio Locsin

PINATUNAYAN ng Vivamax Queen na si Angeli Khang na hindi lang sa paghuhubad siya magaling kundi maging sa mga buwis-buhay na action scenes.

Isa ngayon si Angeli sa mga inaabangan ng Kapuso viewers sa hit action-drama series na “Black Rider” bilang leading lady ni Ruru Madrid.

In fairness, hindi lang si Yassi Pressman ang tinututukan ngayon ng mga manonood sa “Black Rider” bilang love interest ni Ruru, lumelebel na rin sa kanya ang kasikatan ni Angeli.

Baka Bet Mo: Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman

After mapanood ang mga sexy scenes ng Reyna ng Vivamax, nagpakitang-gilas naman si Angeli sa pag-aaksyon, kabilang na ang paghawak at pagpapaputok ng baril.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon sa dalaga, kahit na alam niyang medyo delikado at mapanganib ang mga action scenes na kailangan niyang gawin para sa “Black Rider” ay game na game pa rin niyang ginawa ang mga ito.

Sobrang nagpapasalamat daw siya sa GMA 7, sa Viva Artists Agency at sa buong production ng kanilang programa dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya kaya naman ginagawa niya ang lahat para mabigyan ng justice ang pagganap niya bilang Nimfa.

“’Yung sa action, ibang genre naman, ayun lang talaga ‘yung challenging, nakakapagod. Matagal din pala kapag nagsu-shoot sa isang action scene,” ang pahayag ni Angeli sa panayam ng “24 Oras.”

Baka Bet Mo: Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

Ayon sa sexy star, 11 years old pa lang daw siya noong mag-aral siya ng Korean martial arts na Taekwondo. Kinarir daw niya ito hanggang sa mapagtagumpayan ang pagiging black belter.

“Thankful ako na pina-taekwondo ako ng dad ko. Magagamit ko naman ‘yung taekwondo skills ko, ‘yung sports ko,” sey pa ni Angeli.

Sey pa ni Angeli, “I feel blessed and honored na tinrust ako ng GMA, also Viva, na gampanan ko itong character na ‘to.

“As much as possible, I want to switch my genre to kahit saan ako ilagay, kahit sa action, drama, comedy, o ano man ‘yan, kaya kong gawin as an artist,” chika pa ng sexy actress na talagang may ibubuga naman sa aktingan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagpapasalamat din si Angeli kay Ruru dahil palaging all-out ang suportang ibinibigay nito sa kanya, lalo na sa kanilang mga action scenes.

“Talagang he’ll drive you to be better in scenes. Talagang nakaka-drive siya para mas maging okay ka sa scenes,” sey pa ng dalaga.

Bilib na bilib naman si Ruru sa dedikasyon at sipag ni Angeli sa trabaho. Nakikita niya sa aktres ang passion sa pagiging aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko nga kay Angeli, ‘Kung talagang gusto mo ng action, kakayanin mo,'” ang advice niya sa dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending