Ogie sa bashers: Araw-araw akong kumakain ng mga panlalait n'yo

Ogie Diaz sa bashers: Araw-araw na akong kumakain ng mga panlalait n’yo!

Ervin Santiago |May 14,2024
facebook
share this

Ogie Diaz sa bashers: Araw-araw na akong kumakain ng mga panlalait n’yo!

Ervin Santiago - May 14, 2024 - 12:11 PM

Ogie Diaz sa bashers: Araw-araw na akong kumakain ng mga panlalait n'yo!

Ogie Diaz

BARAG na barag ang mga bashers at haters ni Ogie Diaz matapos niyang supalpalin ang mga ito sa kanyang Facebook post.

May mga nagrereklamo raw kasi sa kanya kung bakit hindi niya tina-tackle sa kanyang mga YouTube vlog ang mga isyu na matagal nang nire-request ng mga ito.

Idinaan ni Papa O sa kanyang FB ang sagot niya sa mga bashers kung saan binasag nito ang kanilang mga trip sa buhay na wala naman daw ginawa kundi mangnega.

Baka Bet Mo: Geneva Cruz inokray ng hater, laging nagpapakita ng cleavage dahil gutom daw sa atensiyon

“Yung mga bashers ko, bakit daw di ko talakayin yung gusto nilang isyu.  Day, kayo nakaisip, kayo ang gumawa!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Yung trabaho n’yong mam-bash ang asikasuhin n’yo. Wag kayong kakawala sa core n’yo,” simulang panunupalpal ng talent manager at content creator.

Pagpapatuloy pa niya, “At karamihan sa inyo, mga sariwa.  Hindi ‘yung itsura ha?  ‘Yung account, halatang kagagawa lang para mam-bash.

“Mga atih, araw-araw na akong kumakain ng mga panlalait ninyo, kayo rin ang pumanday sa akin, kaya baka mas ma-shock pa ako kung pupurihin n’yo ako. Hahahaha!” hirit pa ni Papa O.

Baka Bet Mo: Joey de Leon pinagmumura ng netizens dahil sa ‘lubid’ joke sa ‘E.A.T.’, MTRCB kinalampag: ‘Galaw, galaw Lala Sotto!’

Dugtong pa niyang pang-aasar sa haters, “At wag n’yong itanong kung ano’ng ambag ko sa lipunan.

“Marami ako niyan.  May LV ako, Coach, Gucci at pati maletang Rimowa, meron ako. Kaya ‘wag kayong ano diyan.

“Itanong n’yo sa Kasuso Foundation at sa Dugong Alay Dugtong Buhay at Childhaus Foundation kung ano ang ambag ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ambag ko versus ang bash n’yo,” sey pa ni Papa O na ang tinutukoy ay ang mga charitable institution na kanyang sinusuportahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending