Ogie Diaz inutangan din ng mga artista: Ang ending, ako pa ang masama!
RELATE much ang mga netizens sa mga bagong hugot ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz patungkol sa kautangan.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinahagi ni Papa O ang ilang naging karanasan niya sa mga mangungutang, kabilang na riyan ang ilang kilalang celebrities.
“Iba na ang landscape ng pangungutang at pagbabayad ng utang. Di naman nahirapan nung nangutang, pero ngayon, ikaw pa yung nakikiusap sa singilan?” simulang pahayag ni Ogie.
Baka Bet Mo: JC Santos nagplano nang maging delivery boy nu’ng kasagsagan ng lockdown
Pagpapatuloy niya, “May nagtanong nga sa akin kung me artista din bang nangutang sa akin tapos hindi nagbayad? Hahaha! Meron! Oo naman!
View this post on Instagram
“Me isang artistang dating alaga, pinahiram ko, tapos, awas-awas na lang daw pag me raket. Me listahan naman daw yung awas-awas, pero sa ending, ako pa ang masama.
“Nu’ng pinautang mo, ang lambing. Tapos, nu’ng sinisingil sa balanse (konti na lang naman), sabi ba naman, ‘Sobra-sobra pa nga ang ibinabayad ko, eh. Hindi ko sinisingil sa inyo ang mga raket ko. Bayad na ‘ko.’ Raket? Me listahan naman.
“Sabi ko sa road manager ko, ‘Wag mo nang singilin, okay na ‘yon. Ang importante, nakilala natin siya.’ Ayun, wala nang career,” sey pa ng online talkshow host.
“Me isa pang dating alaga, in fairness, kahit palima-limang libo kada buwan (na dapat ire-remind mo siya lagi at nag-leave pa sa gc) eh nakakabawas naman sa utang.
“‘Yung isang dating kaibigan, me utang din. Nu’ng sinisingil ko, sa dami daw ng naibigay niya sa akin, ako pa daw ang may utang. Hahaha!
Baka Bet Mo: Robin tinatraydor daw ng senador na kapartido niya, Mariel umalma: Naku, matakot kayo sa Panginoon!
“Punyeta, malay ko ba sa mga ipinapadala niyang kung ano-ano sa bahay na ang buong akala ko eh regalo lang niya at ‘yung ibang mga ginagastos niya sa mga paglabas-labas namin na madalas, nakikipag-unahan pa ako sa pagbunot ng bayad, yun pala, may listahan ang potah.
View this post on Instagram
“Ano ‘to? Kwentahan ba? Dapat ko rin bang ilista ‘yung mga kabayanihan ko sa buhay niya? Kaya kung minsan, napapraning na ako sa mga nanlilibre sa akin, eh.
“Baka maisumbat pagdating ng araw. Lalo na pag di mo napautang o kaya ay sila pa ang galit pag sinisingil mo,” pagkukuwento pa ni Papa O.
“Hay, nako…Kung pwede lang ipaskel ang mga pagmumukha ng mga potahng ‘to sa facebook, kaso, baka mabasa naman ng mga anak nila, tapos, maging kahihiyan pa nila ‘yung magulang nilang best actor nu’ng nangungutang at best supporting actor naman nu’ng sinisingil na,” ang litanya pa ng talent manager.
Sa comments section ng FB post ni Ogie, maraming nagsabing nakaka-relate sila sa isyu ng kautangan, lalo na du’n sa mga taong ang babait kapag humiram ng pera pero kapag singilan na ay sila pa ang galit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.