#MothersDay2024: Mga mister na ibinandera ang ‘love’ para sa celebrity wife
PARANG Valentine’s Day, espesyal ding ipinagdiriwang ang Mother’s Day upang bigyang-pugay ang ating mga ina.
Isa itong pagkakataon upang mas ipahayag ang ating pagmamahal at pasasalamat sa lahat ng sakripisyo at pagmamalasakit na kanilang ibinibigay araw-araw, hindi lang sa pamilya kundi pati na rin sa lipunan.
At heto nga, nagsulputan sa social media ang mga nakakakilig na pagbati na ibinandera ng ilang mga mister para sa kani-kanilang minamahal na celebrity wife.
Baka Bet Mo: Knows n’yo ba…paano at saan nga ba nagsimula ang Mother’s Day?
Luis Manzano
Sa Instagram, proud na ibinida ni Luis Manzano ang ilang litrato ng kanyang misis na si Jessy Mendiola at anak na si Baby Peanut.
Inilarawan pa niya si Jessy bilang super mama.
Caption niya, “I love seeing how you are Peanut’s favorite (kahit masakit minsan). My heart smiles every time she runs to you saying Mama or when she looks for you right away paggising niya.”
“We appreciate and love you so much Mama! Happy mother’s day from Papa and @isabellarosemanzano,” mensahe niya sa aktres.
View this post on Instagram
Dingdong Dantes
Katulad ni Luis, super mama rin para sa kanilang pamilya ang award-winning actress na si Marian Rivera.
Wika ni Dingdong Dantes sa IG post, “To our home’s Super Mama— we love you!”
Baka Bet Mo: Marian, Dingdong extra challenge ang halikan sa ‘Rewind’: ‘Ang weird lang!’
View this post on Instagram
Billy Crawford
May nakakaantig na video post naman si Billy Crawford na kung saan ipinakita niya ang pagbati ng kanilang anak kay Coleen Garcia.
Kalakip din niyan ang short but sweet message niya sa asawa:
“Happy Mother’s Day to you my love and to all the moms out there, thank you for loving us unconditionally.”
View this post on Instagram
Erwan Heussaff
Ibinandera ni Erwan Heussaff ang isang compilation video na tampok si Anne Curtis at anak nilang si Dahlia.
Tila sinabi ng content creator na all around ang kanyang misis dahil ito ang nagsisilbing dance teacher, bodyguard, lifeguard, hair stylist at vocal coach ng kanilang anak.
View this post on Instagram
Ogie Alcasid
Taos-pusong pasasalamat naman ang inihayag ni Ogie Alcasid para sa misis na si Regine Velasquez ngayong mother’s day.
“Nate and I want to honor you for being the light that spreads so much love, for being the queen of our hearts, and for your devotion to our Family,” saad niya sa IG kalakip ang sweet photo nilang dalawa.
Sambit pa niya, “Ikaw din ay nanay sa maraming tao and we celebrate your kindness and your selflessness as you welcome all those that need you to your most precious heart.”
Ayon pa kay Ogie, dahil sa pag-aaruga at kalinga ni Regine kaya lumaki ng mabait, magalang at lubos na mapagmahal ang kanilang anak.
Aniya pa, “I love everything about you my baba and your being a mom is one that I admire and adore so much. I love you Honey @reginevalcasid.”
View this post on Instagram
Paul Soriano
Para naman sa direktor na si Paul Soriano, super blessed sila na magkaroon ng asawa at ina na gaya ni Toni Gonzaga.
“To the best mom we know @celestinegonzaga we are so blessed to have you!! Thank you for all you do for us we love you so much [happy face with heart emoji],” lahad sa post kalakip ang ilang picture ng TV host-actress at dalawang anak.
View this post on Instagram
Derek Ramsay
Walang kupas na ka-sweetan naman ang ibinandera ni Derek Ramsay kung saan proud niyang ibinida ang sweet photo nila ni Ellen Adarna.
Ani niya sa IG, “Happy Mothers Day baby! [smiling face with heart eyes, flying kiss emojis]”
View this post on Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.