KC Concepcion ibinandera ang Top 10 gifts ni Sharon Cuneta

KC ibinandera ang Top 10 gifts ni Sharon: ‘It makes me feel she’s with me’

Pauline del Rosario - May 13, 2024 - 02:55 PM

KC ibinandera ang Top 10 gifts ni Sharon: 'It makes me feel she’s with me'

KC Concepcion, Sharon Cuneta

BILANG tribute ngayong Mother’s Day, proud na ibinandera ni KC Concepcion ang ilan sa mga naging regalo ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog na may titulong “My Top 10 Gifts from my Mom!”

“I’m gonna talk about my love language, which is gifts! And yes, my mom speaks my love language very well,” panimula ng aktres.

Ayon kay KC, espesyal ang ilang regalo sa kanya ni Sharon dahil sa tuwing nakikita, sinusuot at ginagamit niya ang mga ito ay nararamdaman niyang laging nandyan ang kanyang mahal na ina.

Baka Bet Mo: Sharon may problema kay KC: I’m very, very hurt…pero tiis-tiis na lang

1. Jewelry/alahas

“Talagang lumaki ako in a family of ladies that love jewelries,” pag-amin ni KC habang ipinapakita ang mga suot na hikaw, necklace at singsing na ibinigay ng ina, pati ng kanyang lola.

“Whenever I wear these, nafi-feel ko ‘yung energy ng mga lola ko and mommy ko because diamonds are supposed to be parang energy carriers and apart from that, birthstone ko ang diamond,” paliwanag din niya.

Naikwento rin ng aktres na naging tradisyon na ng kanyang pamilya ang pagbibigay ng diamond jewelries at dahil din daw diyan, nagkaroon siya ng interes sa pagdidisenyo ng alahas kaya nabuo ang negosyo niyang “Avec Moi” jewelry.

2. Louis Vuitton bag

Sunod na ipinakita ni KC ang isang bag na may kakaibang kulay na tila nasa pagitan ng asul at lila.

Ayon sa kanya, paboritong kulay niya ito at sa pagkakaalam niya ay nag-hire pa ng personal shopper si Sharon upang mahanap ang ibinigay na luxury bag sa kanya.

“Whenever I see Louis Vuitton or any luxury bags, I really remember my mom kasi talagang ‘yung collection niya ng bags todo-todo talaga,” saad ng anak ni Sharon.

3. Clapperboard

Isinama na rin ni KC sa listahan ang isang clapperboard na ginamit sa kauna-unahan niyang pelikula na “For the First Time.”

“So hindi niya bigay ito…The reason why I chose this as a memorable gift is because she gave me her blessing na mag-artista. Ang rule niya lang sa akin is tapusin ko ‘yung college ko,” sambit niya.

Nabanggit din niya na as of now ay 23 years na siyang nasa showbiz industry.

4. Wallet

“Sabi ng mga tao, kapag niregaluhan ka ng mom mo ng wallet, sinuswerte raw sila financially,” ito ang inihayag ng aktres na pinatotohanan niya nang mabigyan siya ni Sharon ng luxury wallet.

“This is true. Nagkaroon ako ng maraming investments,” saad ni KC.

Kasunod niyan, binigyang-pansin niya rin ang nakasulat sa wallet na may katagang “Time for Love.”

“Nagpaparinig sakin ‘yung mom ko –hindi puro work, work, work lang, kasi workaholic din ako katulad niya at namana ko ‘yun sa kanya,” wika niya.

Patuloy niya, “Pag nakikita ko ‘to, ayun nga, time for love, so ayun na nga.”

5. Louis Vuitton vintage trunk

Ito raw ang naging housewarming gift sa kanya ni Sharon nang magkaroon siya ng first-ever condominium.

Naging espesyal daw sa kanya ‘yung vintage trunk dahil dito ipinakita ng kanyang ina kung gaano ito ka-proud sa kanya.

6. Mga libro

Para rin kay KC, libro ang isa sa mga paborito niya na ibinigay ng kanyang mommy.

“She gave me a lot of European-themed books, home deco, a lot of parang tablescaping, mga recipe books, mga entertaining at home, mga ganyan…kaya nahilig talaga ako sa pag-host sa bahay, inspired by my mom’s books,” kwento ng aktres.

Dahil single mom, aniya, si Sharon ay nasakripisyo nito ang oras na para sana sa kanya upang makapagtrabaho.

At sa pamamagitan daw ng mga libro ay dito ipinakita ng celebrity mom ang kanyang pagmamahal kay KC.

“One of the things na ipinakita ni mom ‘yung love niya sa akin is to give me books that will help me educate myself,” ani niya.

7. Earthenware o Japanese ceramics

Naging unforgettable din sa aktres ang Japanese ceramics na binili ng kanyang ina na kung saan ay magkasama silang namasyal sa Osaka, Japan.

“She was with me when I chose this and she was happy. Everyday ko rin silang ginagamit for coffee,” chika ni KC.

Dagdag pa niya, “May souvenirs ‘diba, instead na [ref] magnet, bumibili ako ng mga bagay na ginagamit ko everyday sa bahay para sulit.”

8. 3rd birthday photo album

Ibinunyag ni KC na isa sa mga iniingatan niya ay ‘yung photo album ng kanyang ika-3rd birthday party celebration.

“Alam ko na kahit single mom siya noon and ‘yung papa ko was not with us all the time, she really did her best to make time,” tugon ng aktres.

Sey pa ng anak ni Sharon, “I’ve been thankful for all the times she really spent time for me to celebrate. So up to now, parang kapag birthday ko, I still love to celebrate kasi pinakita ng family ‘yun na you’re worth celebrating, you’re valued and you’re loved.”

9. Compiled letters

“I felt very loved when my mom compiled my letters to her ‘nung bata ako noong 90s pa,” chika ni KC habang ipinapakita ang tatlong clear books na nakalagay ang mga sulat niya sa ina.

Paliwanag ng aktres, “Dito ako nagso-sorry sa mga letters ko sa kanya, dito rin kami nag-o-open up minsan. Nag-iiyakan kaming nagsusulatan ng letters.”

“Pero grabe itong tatlong portfolio na ‘to, testament kung gaano kami ka-close ‘nung lumalaki ako,” aniya pa.

Nagkaroon din ng nakakaantig na mensahe si KC para kay Sharon: “Sabi ko sa kanya, hindi ako perfect na anak pero ang dami mong naturo sa akin. Maayos mo akong pinalaki and lahat ng naturo mo sa akin, ia-apply ko sa buhay ko at ituturo ko rin sa magiging apo mo.”

“Kung ano man ‘yan ‘diba, lagi akong babawi sa’yo at hindi ako papayag na hindi ka maging proud sa akin,” lahad niya.

Sambit pa ni KC, “Life is short let’s just love each other and forgive each other and be happy. I love you mom! And I will always cherish these gifts you gave me, not because materialistic ako.”

10. Dating wedding ring nina Sharon at Gabby

Ang panghuli sa Top 10 memorable gifts sa kanya ng batikang singer ay ang wedding ring ng dating mag-asawa na sina Sharon at Gabby Concepcion.

Giit ni KC, “Kasi ako ‘yun. Identity ko ‘yun. Kaya ako andito sa mundo dahil sa kanilang dalawa.”

Wika pa niya, “Ginawa ko siyang pendant. When the time is right, I can share it with you.”

Sa dinami-daming ibinigay na regalo ni Sharon kay KC, wala pa rin daw tatalo sa “gift of life.”

“Konting part lang ito sa mga naibigay ng mom ko sa akin na material gifts, but the most important gif of all is my life, also her love for me and all of the lessons that she taught me growing up na dadalhin ko habang-buhay,” ani ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending