Marian, Dingdong extra challenge ang halikan sa 'Rewind'

Marian, Dingdong extra challenge ang halikan sa ‘Rewind’: ‘Ang weird lang!’

Ervin Santiago |December 19,2023
facebook
share this

Marian, Dingdong extra challenge ang halikan sa ‘Rewind’: ‘Ang weird lang!’

Ervin Santiago - December 19, 2023 - 07:05 AM

Marian, Dingdong extra challenge ang halikan sa 'Rewind': 'Ang weird lang!'

Marian Rivera at Dingdong Dantes

INAMIN ng Kapuso Royale Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na super challenging ang paghahalikan nila sa “Rewind”.

Isa ang “Rewind” sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2023 na magsisilbi ring reunion and comeback movie ng DongYan after 13 years. Ito’y mula sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.

Ayon kina Dong at Yanyan, isa sa mga biggest blessing na natanggap nila ngayong taon ay ang muli nilang pagsasama sa pelikula at may bonus pa dahil napili nga ito sa taunang filmfest.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey ni Dingdong, feeling thankful and grateful siya na nagkatrabaho uli sila ng kanyang wifey sa isang acting project na matagal na rin niyang ipinagdarasal.

“Grateful ako na sa pagkakataong ito nabigyan ako ng pagkakataong makatrabaho ang asawa ko kasi sobrang busy po niya.

“Tapos nu’ng nabigyan kami ng chance to work together parang hindi siya trabaho. Para kaming nagde-date araw-araw kaya pinagpapasalamat ko talaga ‘yun,” ang pahayag ng Kapuso Primetime King nang umapir sila ni Marian sa “It’s Showtime” last Saturday, December 16, para mag-promote ng “Rewind.”

Baka Bet Mo: Barbie hindi galing sa rich family: ‘Yung daddy ko po tricycle driver, tapos nanay ko may business na yema at pastillas’

Natanong ang mag-asawa kung ano ang pagkakaiba ng pagsasama nila sa pelikula at bilang mag-asawa, sagot ni Marian, “Palagi kong sinasabi parang wala, kasi kung ano kami sa bahay ganun din kami sa trabaho namin.”

“So, palaging nilu-look forward lang namin na magkasama kami together kasi sa bahay may mga kids eh so nahahati. Konti kanya marami sa kids,” sabi pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon pa kay Dong, naging extra challenge rin sa kanila ni Marian ang ginawa nilang kissing scene sa “Rewind”, “‘Yun nga ang pinakanahirapan kaming eksena ‘yung kissing scene namin eh kasi di namin alam kung paano gagawin.”

Pagsang-ayon naman ni Marian, “Totoo yun ha! Sa dami ng ginawa namin sa movie na medyo mabibigat na eksena du’n kami medyo nailang sa aming intimate scene.

“Ang weird kasi malalaman niyo kung paano kami sa personal. Ang hirap i-acting kaya sabi namin kay direk pwede ba dim light lang, may silhouette lang kami,” dugtong ni Marian.

Sa nakaraang presscon ng naturang MMFF entrty, sinabi ni Marian na dream project niya ito, “Kahit nu’ng mga draft ‘yung pinapanood namin, tapos pinapanood nila sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sinasabi ko kay Dong, ‘dad totoo ba to?’ kasi hindi nag sisink in sa’kin na ito na ba yun? Nakaka-proud na nakagawa ako ng isang pangarap kong pelikula,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending