Dingdong araw-araw nagdiriwang ng Mother's Day para kay Marian

Dingdong araw-araw nagdiriwang ng Mother’s Day para sa ina at kay Marian

Ervin Santiago - May 12, 2024 - 12:05 AM

Dingdong araw-araw nagdiriwang ng Mother's Day para sa ina at kay Marian

Dingdong Dantes, Angeline Gonzalez Dantes at Marian Rivera

SINISIGURO ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na araw-araw ay Mother’s Day para sa lahat ng babae sa kanyang buhay.

Ngayong araw, May 12, ipinagdiriwang ang Mother’s Day kaya siguradong may pasorpresa ang Kapuso superstar para sa mga mahahalagang girls sa kanyang life.

Pero naniniwala ang award-winning actor at TV host na hindi lang tuwing Araw ng Mga Ina dapat isine-celebrate at pinararangalan ang pinakamamahal nating mga nanay.

Baka Bet Mo: Regine pinaiyak ni Sharon nang mag-celebrate ng birthday: ‘Araw-araw mahal na mahal ka ni Ate, anytime you need me…I love you’

Sey ni Dingdong, abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang inang si Angeline Gonzalez Dantes, dahil sa lahat ng values at life lessons na itinuro nito sa kanya na baon-baon ng aktor hanggang ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Ang kanyang nanay din daw ang nagturo sa kanya ng kahulugan ng “empathy” o pagmamalasakit sa kapwa, lalo na sa mga kababaihan.

Sabi ni Dong, nakita rin niya sa kanyang wifey na si Marian ang katangiang ito na itinuro ng ina kaya naman mas lalo siyang na-in love rito.

“Malaking factor ‘yung pag-unawa ko kung ano ang ibig sabihin ng empathy dahil sa aking ina, dahil ‘yun ang nakita ko talaga sa kanya while growing up. ‘Yun ang ipinaramdam at ipinaranas niya sa akin,” pahayag ni Dingdong sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday.

Baka Bet Mo: Vice ibinandera ang kahulugan ng regalong singsing kay Ion: Gusto ko araw-araw maramdaman mo rin ‘yung napi-feel ko

Aniya pa, “‘Yun din ang nakita ko kay Marian noong siya naman ay naging ina. Mas na-validate talaga ‘yung ginagawa ng nanay ko sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


“Mas nagkaroon ako ng deeper respect, admiration and understanding of how mothers really do it, dahil nakita ko firsthand kay Marian,” saad pa ni Dong.

And because of this, mas na-appreciate pa ni Dingdong ang kanyang ina at si Marian bilang mga mapagmahal at super hands-on nanay.

“Kaya ang role ko is to really appreciate them every day, to celebrate them every day.

“I want to celebrate my wife, my mom, my wife as a mother every day. Make sure that I’m there to support her, provide for her and just appreciate her every day,” pahayag pa ng host ng “Family Feud” at “Amazing Earth.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nagpakasal sina Dingdong at Marian noong 2014 at biniyayaan ng dalawang anak – sina Zia at Sixto Dantes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending