Kitchie paano pinagsasabay ang pagiging full-time mom, musician?

Kitchie Nadal paano pinagsasabay ang pagiging full-time mom at musician?

Pauline del Rosario - May 27, 2024 - 07:01 PM

Kitchie Nadal paano pinagsasabay ang pagiging full-time mom at musician?

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

KAHIT abala sa pasabog na anniversary show, hindi ito hadlang para kay Kitchie Nadal upang mawalan ng oras sa kanyang mga anak.

Sa katunayan nga, masayang ipinagmamalaki ni Kitchie ang kanyang pagiging full-time mom, lalo na sa 6-month-old baby niya.

Noong May 23 nang maganap ang press conference ng batikang singer sa Malabon City upang i-promote ang inaabangang “SAME GROUND: Kitchie Nadal’s 20th Anniversary” na mangyayari sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City sa darating na June 2.

Baka Bet Mo: Kitchie Nadal ‘relevant’ pa rin sa Gen Z, bakit kaya tuwang-tuwa kay Zild?

At bilang isang taon din mula nang nakauwi sa Pilipinas si Kitchie, nausisa tuloy siya kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa Spain kung saan siya naninirahan kasama ang pamilya.

“I’m a full time mom. As an artist, I also dedicate my time to songwriting and recording. So mababalitaan niyo siguro na for this year, I will be doing collaborative work with different artists, so ‘yun ‘yung goal ko ngayon,” pag-update ng singer.

Kasunod niyan, inamin niya na nag-alangan siya ‘nung una nang in-oofer sa kanya ang concert dito sa Pilipinas.

“I was hesitant, but only because…I have a six-month-old baby. So I was thinking, ‘Oh my Gosh, how will I travel, how am I going to gig, how am I gonna rehearse.’ I’m a full time mom and siyempre kapag buhay-abroad, talagang hands-on ka talaga,” chika niya sa ilang entertainment press.

Patuloy ng iconic singer, “So I couldn’t imagine working and having someone else, like, taking care of my son. Parang hindi ko [ma-imagine]. Pero I’m really thankful because I have friends here. They are the ones who are helping my son and it’s really nice. I’m very grateful for that.”

Nang makachikahan naman ng BANDERA si Kitchie, nag-follow up question kami kung paano nga ba niya nababalanse ang pagiging full-time mom ngayong magkakaroon siya ng bonggang show?

“I just have to set my priorities straight and be strict and stick to it. When I accepted this offer to do this anniversary concert, Of course, I made sure ‘yung ‘you’ time – I have to be wise with my time and make sure that I get to rest since I have a six-month-old baby. So ganun ko i-balance ‘yung time ko,” wika niya sa amin.

Giit pa ng OPM singer-songwriter, “Kailangang maging firm lang doon sa priorities ko.”

“My kids are still young, so when I came and accepted this offer, I made sure na okay but I need time to rest, I need time for my son,” ani pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

llan lamang sa mga makakasama ni Kitchie sa upcoming concert ay ang mga kaibigang singers na sina Barbie Almalbis, Aia de Leon, Lougee Basabas, Hannah Romawac, Acel Bisa, at Monty Macalino ng bandang Mayonnaise.

Ang tickets nito ay mabibili sa lahat ng Ticketnet outlets nationwide, pati sa kanilang website.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending