Shanne Dandan excited na sa debut album, may pasabog na sorpresa sa fans
EXCITED at looking forward na ang young OPM singer na si Shanne Dandan para sa nalalapit na release ng kanyang debut album.
Ito ang “Kung Iyong Mamarapatin” na mapapakinggan na sa darating na October 25 via Viva Records.
Kamakailan lang, nagkaroon ng mini presscon at listening session si Shanne kasama ang ilang entertainment press at diyan niya ikinuwento ang tungkol sa album.
“‘Kung Iyong Mamarapatin’ is about saying goodbye to my broken dreams in hopes of creating new, brighter ones,” wika niya.
“As a very emotional person, sobrang nafi-feel ko po ‘yung weight nito sa life ko, lalo na I’m working with people who appreciate what I do and parang they want me to excel,” dagdag pa ng singer nang tanungin siya ng BANDERA kung ano ang nararamdaman niya sa kauna-unahang album.
Baka Bet Mo: Heart proud na proud sa Hollywood debut ni Liza: ‘This is power!’
Aniya pa, “Kasi before sa industry, kailangang ganito, kailangang [ganyan] ka. Then now, parang this is ‘yung gusto ko.”
Chinika rin ni Shanne na taong 2022 pa siya nagsimulang magsulat ng kanta at last year lang daw sila nag-start mag-record ng kanyang mga kanta.
Nang tanungin naman namin siya kung ano ang mensahe na nais niyang iparating sa fans sa pamamagitan ng ilalabas niyang album.
“‘Yung message na gusto kong iparating sa fans na it’s okay –na ‘yung changes sa buhay ay normal talaga,” sambit niya.
Patuloy niya, “Don’t get stuck in one situation in your life na parang maggi-give up ka na.”
At bilang pagdiriwang, magkakaroon siya ng special live performance na gaganapin sa Sari-Sari Cocktails sa Makati City sa araw mismo ng launching ng kanyang debut album.
Ilan lamang sa mga makakasama niya na magpe-perform ay sina syd hartha, Coeli, jikamarie, at ALYSON.
“I will sing fully without the backing track and backing vocals. So lahat po ng [maririnig] niyo, parang magiging choir po talaga siya,” pagbubunyag niya sa kung ano ang aasahan sa kanyang live set.
Sey pa niya, “So ‘yun po ‘yung pinaka nilu-look forward ko sa music life ko now and super excited ako kasi I will be playing the whole album with the musicians. Mga super, super na magaling na musicians na love na love ko.”
Aniya pa, “And I think, gusto ko muna damdamin, namnamin ‘yung album na it for a while and just focus on promoting and sharing to other people para mapakinggan din nila ‘yung album na ‘to.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.