Jessa inokray, naka-makeup pa habang naghuhugas ng pinggan

Jessa inokray, naka-makeup pa raw habang naghuhugas ng pinggan

Ervin Santiago |May 09,2024
facebook
share this

Jessa inokray, naka-makeup pa raw habang naghuhugas ng pinggan

Ervin Santiago - May 09, 2024 - 07:54 AM

Jessa inokray, bakit naka-makeup pa raw habang naghuhugas ng pinggan

Jessa Zaragoza

NIRESBAKAN ng aktres at OPM artist na si Jessa Zaragoza ang isang hater na basag-trip habang naghuhugas siya ng pinggan.

Pinansin kasi ng naturang netizen ang itsura ni Jessa sa video na ipinost ng kanyang anak na si Jayda Avanzado sa social media kamakailan.

Hirit ng basher, bakit daw kailangan pang naka-make-up ang wifey ni Dingdong Avanzado, e, maghuhugas lang naman daw ito ng mga pinggan at kubyertos na kanilang ginamit.

Baka Bet Mo: Jessa Zaragoza isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: The pain is no joke

Sa naturang video, makikita si Jessa at si Jayda na kumasa sa usung-uso ngayong “Finish the Lyrics” Challenge.

In fairness, maraming natuwa at naaliw bonding ng mag-ina pero may isang netizen nga ang nambasag sa kanila na nagkomento ng, “Dapat ba full make-up washing the dishes?”

Nang makarating kay Jessa ang ang pang-ookray ng hater, talagang sinupalpal niya ito at nagpaliwanag kung bakit kuntodo make-up siya habang naghuhugas ng pinagkainan.

“Galing kasi akong show nyan. Pagkababa ng kotse, diretso sa kusina par maghugas ng pinggan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)


“Wala kaming katulong sa bahay kaya ako lang naghuhugas ng pinggan sa bahay namin.

“Di na ako nakapagpalit ng damit at tanggal make-up galing trabaho. Gawa agad ng naiwang gawaing bahay para matapos na at gabi na yan.

“Ok na ba sayo itong explanation ko?! Pasensya ka na ha,” ang esplika ni Jessa.

Bukod dito, nag-iwan din ng comment si Jessa sa Facebook reel ng anak na si Jayda. Aniya, “Kayo naman, wag na kayo mainggit. Kulang lang yan sa ligo

Baka Bet Mo: Jessa, Dingdong may 3 payo kay Jayda Avanzado bago sumabak sa showbiz

“Init kasi ng panahon noh, sobra. Naka full make up po kasi galing akong trabaho nyan. Nag show. Di ba ako po si Jessa?!

“Singer po ako. Galing event. So nakaayos. Di pa nga ako nakapag palit ng damit. Pagkababa ng kotse, diretso na agad ng kusina.

“Wala po kaming katulong sa bahay. Ako lang lahat sa bahay namin. Lalo na hugas ng pinggan. Ako lang yan.

“So minabuti ko ng tapusin na ang gawaing bahay agad bago umakyat sa kwarto para mag linis ng katawan, mag tanggal make up, kasi galing ngang trabaho sa labas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pasensya na kayo ha. Ok na ba sa inyo itong explanation ko? Ok na po ba?  Sensha na talaga. Di kasi scripted yan. Binigla lang akong kunan ni Jayda,” ang paliwanag pa ng actress-singer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending