Angeli Khang hindi raw sexy star: I think I see myself as an actress

Angeli Khang hindi raw sexy star: I think I see myself as an actress

Ervin Santiago |May 07,2024
facebook
share this

Angeli Khang hindi raw sexy star: I think I see myself as an actress

Ervin Santiago - May 07, 2024 - 07:47 AM

Angeli Khang hindi raw sexy star: I think I see myself as an actress

Angeli Khang at Ruru Madrid

HINDI kino-consider ng Vivamax Queen na si Angeli Khang ang sarili na isang sexy actress kahit na nakagawa na siya ng sandamakmak na sex-drama films.

Ayon kay Angeli, nakikita at itinuturing niya ang sarili bilang aktres dahil ginagawa lang daw niya ang kanyang trabaho as an artista at sinusunod lang ang ipinagagawa sa kanya ng direktor at production.

“I don’t see myself as a sexy actress, kahit ayun ang sinasabi nila sa akin. I think I see myself as an actress.

Baka Bet Mo: Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

“Kahit ano mang project, kahit sexy man o hindi, artista pa rin po ako na ginagawa kung ano ‘yung mga ibinibigay sa aking project,” ang pahayag ni Angeli “Updated with Nelson Canlas” podcast.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Natanong din ang bagong leading lady ni Ruru Madrid sa GMA Prime series na “Black Rider” kung balak din ba niyang tumigil sa pagpapa-sexy pagdating na tamang panahon.

“Kung ano man ang ibigay sa akin na project at blessings, tatanggapin ko. But as much as possible, I want to see myself and for people to see me more about my acting,” sagot ni Angeli Khang.

Dagdag pa ng dalaga, “Feeling ko po marami na akong nagawang movies na fresh breath naman sa another character, another genre, another craft na action naman.

“Sana naman next time mabigyan ako ng blessings na comedy,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

Ngayong napapanood na rin siya sa free TV, sa pamamagitan nga ng hit Kapuso full action series na “Black Rider” umaasa ang dalaga na mabibigyan pa siya ng maraming opportunities aside from being the queen of Vivamax.

“To be honest, noong nabigay sa akin ang teleserye, ang daming nag-message sa akin, pati ang family ko, ang sabi ‘Wow mainstream naman! Mapapakita mo ‘yung sarili mo na hindi more on bed scenes, more on pa-sexy, ‘yung totoong acting mo,'” pahayag ni Angeli.

Pero unang sabak pa lang niya sa taping ng serye ay kissing scene agad ang ginawa nila ni Ruru.

“Pagpunta ko po sa Black Rider, may sexy scenes pa rin po. Nag-message ako sa nanay ko sabi ko ‘Ma, may sexy scenes pa rin naman pero more on acting pa rin,'” chika ni Angeli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


Inamin din ng aktres na kontra noon sa pagpasok niya sa showbiz ang kanyang tatay na isang military general at ang nanay niya na isang pastora.

“Ang tatay ko po talaga, he’s a military general tapos ang gusto niyang ipagawa sa akin, more on marathon, sports, basketball, volleyball, taekwondo. Sabi niya sa akin, tomboy na tomboy,” ani Angeli.

“At first, ‘yung mom ko po talagang hindi siya natuwa. Nagulat siya, sabi niya ‘Kailan ka pumasok diyan? Kailan ka nag-film?’ ‘Bakit ka nagdedesisyon sa sarili mo?’

“High school pa lang ako noon. ‘Ano ang pangalan ng director saka ng may-ari niyang pinaggagawan mo? Ipagdadasal ko ‘yan,'” pagbabalik-tanaw ni Angeli sa naging usapan nila noon ng ina.

Pero after niyang makagawa ng apat na pelikula sa Vivamax, “Sabi ng mom ko, ‘Basta wala kang natatapakan na tao, mahal mo ‘yung ginagawa mo, at masaya ka sa ginagawa mo, pagpatuloy mo lang ‘yan.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And ngayon, thankful po ako na tuloy-tuloy na ‘yung blessings,” pagbabahagi pa ni Angeli na nagpapasabog ng kaseksihan at mas nagpapainit pa sa kuwento ng “Black Rider”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending