Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero... | Bandera

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

Therese Arceo |November 19,2021
facebook
share this

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

Therese Arceo - November 19, 2021 - 10:06 AM

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero...

USAP-USAPAN na naman ang “Pambansang Marites na lalaki” na si Xian Gaza dahil sa umano’y hindi nito maayos na pagsusustento sa kanyang anak. Dahil dito ay nag-react ang isa sa mga VMX Crush na si Angeli Khang.

“Owshiii Christian Albert Gaza. Hindi ako marites pero sana pag dating sa pamilya’t anak mo, sustentuhan mo naman ng maayos,” saad ni Angeli sa kanyang Facebook post.

Kalakip nito ay ang post ng dating partner ni Xian na nagngangalang Sydge Tolentino kung saan sinagot nito ang naunang post ni Xian patungkol sa pagsusustento niya sa kanyang mga anak.

Umani naman ng comments mula sa madlang pipol ang post ni Angeli.

Hati ang opinyon ng mga netizens patungkol sa isyu dahil may ilan na kumakampi kay Sidge at ang ilan naman ay kinampihan si Xian.

“May pang-gastus sa billoard kay Jennie ng BP peti walang pang-sustento sa anak?”

“Nabasa ko yan. Nalate lang ang sustento pero nagsusustenti suta. 2.2M a year grabe ayos na ayos na yun. Not a fan though.”

“Di niya dapt ipagmayabang ang sustento nya dahil reapinsibilidad nya yun at di dapat yun pagmakaawaan para ibigay dapat on time dahil di nag-aantay ang mga bills lalo na ang gutom.”

Mukhang gigil na gigil rin si Angeli sa ginagawa ni Xian na laging nagkakalat ng mga blind item sa social media kaya naman nag-post pa siya sa comment section ng mga links ukol sa side ng ina ng anak ni Xian na hindi raw umano nasusustentuhan nang maayos.

Samantala, wala namang naging sagot si Xian sa post ni Angeli at nagpatuloy lamang ito sa pagiging “Marites” sa mga artista.

Pinayuhan naman ng ilang netizens si Angeli Khang na huwag na lamang pansinin ang isyu nina Xian at ng dati nitong partner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami rin ang pumuri sa baguhang aktres dahil sa galing nitong umarte sa kanyang launching movie na “Mahjong Nights” kasama sina Jay Manalo at Sean de Guzman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)

Si Angeli ay isa sa mga artista na under sa pangangalaga ng Viva. Ilan pa sa mga pelikulang niya ay ang “Taya”, kasama sina AJ Raval, Jela Cuenca, at Sean de Guzman.

Related Chika:
Angeli Khang bibida sa ‘Mahjong Nights’; suportado ng ina sa pagpapa-sexy
AJ Raval, Angeli Khang, Jela Cuenca palaban sa hubaran; magpapainit bilang ‘VMX Crush’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending