AJ Raval, Angeli Khang, Jela Cuenca palaban sa hubaran; magpapainit bilang 'VMX Crush' | Bandera

AJ Raval, Angeli Khang, Jela Cuenca palaban sa hubaran; magpapainit bilang ‘VMX Crush’

Ervin Santiago |September 05,2021
facebook
share this

AJ Raval, Angeli Khang, Jela Cuenca palaban sa hubaran; magpapainit bilang ‘VMX Crush’

Ervin Santiago - September 05, 2021 - 01:05 PM

AJ Raval, Angeli Khang at Jela Cuenca

ANG bongga naman pala ng psychedelic erotic-thriller movie na “Taya” na pinagbibidahan nina Sean de Guzman at AJ Raval, kasama ang dalawa pang baguhang sina Angeli Khang at Jela Cuenca.

Nagsimulang ipalabas sa Vivamax nito lamang nakaraang Agosto 27 pero nangunguna na ito ngayon sa Top 10 Content of the Week ng nasabing digital streaming platform. 

Hindi nakakagulat kung hindi man ito umalis sa ganitong posisyon sa darating pang mga araw dahil patuloy pa ring humahataw ang pelikula na idinirek ni Roman Perez.

Ang “Taya” na ang itinuturing na “all-time record holder for single day views sa Vivamax kaya naman super thankful ang cast members ng pelikula.

Sa nasabing movie, sina Winona, Nieves, at Nanette ang mga babaeng papremyo sa basketball online ending game. Talaga namang napakainit ng pagganap nina Jela Cuenca, Angeli Khang at AJ Raval sa kani-kanilang papel kaya naman ipinakikilala sila ngayon bilang “VMX Crush” o Viva’s MaXimum Crush.

Aminado si Jela na nabigla siya sa ginampanang role sa una niyang movie project. Marso, 2021 lamang nang pumirma si Jela sa Viva.  Dahil sa mga workshops at guidance ng kanyang direktor at mga co-stars ay hindi naman siya nahirapang ibigay ang mga hinihiling na eksena.  

Siya ay 23 years old na sa Sept. 19.  Nagmula sa Bayawan City, Negros Oriental, may mga beauty pageant sa kanilang probinsiya na sinalihan si Jela. Nag-model rin siya at nadiskubre ng kanyang manager sa isang photo shoot.

Nagpapasalamat si Jela sa mga payo sa kanya ni AJ Raval ngayong nasa showbiz na rin siya. Nais niyang ipakita ang kanyang kakayahan bilang isang aktres at manatili sa industriya para matulungan ang kanyang pamilya.  

Ginagampanan naman ng half-Korean beauty na si Angeli Khang ang papel na Nieves, na kinuha para paligayahin at wasakin si Sixto.  Isinalarawan ni Angeli ang kanyang karakter na confident, friendly, seductive at goal-oriented.  Siya ang kontrabida sa kanilang tatlong babae.  

Para kay Angeli, ang pagiging maalindog at mautak ni Nieves ang maituturing na “crushable”. 

Nagdiwang ng kanyang ika-20 taong gulang si Angeli noong ikatlo ng Agosto. Bago siya pumasok sa Viva, naging cosplayer at model siya.  Nagpapasalamat siya sa pagiging bahagi ng  “Taya” at sa kung ano pang ibibigay sa kanya ng Viva.

At siyempre, ang “Taya” ay hindi tatawaging “pinakasugapang pelikula ng taon” kung wala si AJ Raval bilang si Nanette, ang babaeng napanalunan ni Sixto sa online ending.

Simula nang ipinakilala siya sa “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” noong Enero, sunud-sunod na ang sexy roles ni AJ.  Abril nang opisyal siyang i-launch sa “Death of A Girlfriend”. Hulyo nang makasama naman siya sa “Nerisa” kung saan nabuo ang samahan nila ni Sean de Guzman.

Sa bawat proyekto, laging may ipinakikitang bago si AJ, ito man ay sa pag-arte o sa kanyang katawan basta’t kinakailangan sa eksena.  Kaya naman binansagan siyang Queen of Sexy Films ngayon ni direk Roman Perez. Gayunpaman, sabi ni AJ sa “Taya” presscon na, “Hindi ko naman po napi-feel na ako ang fantasy ng bayan.” Hindi niya pinapasok sa ulo ang kasikatan.

Alam ni AJ na bitbit niya palagi ang pangalan ng kanyang amang si Jeric Raval at gusto niya itong maging proud sa kanya at ipinagmamalaki niya rin ang kanyang ama.  

Sa katunayan, AJ ang kanyang naging screen name dahil ang palagi raw sinasabi ng mga tao sa kanya ay, “Anak ni Jeric”. 

“Honestly, I joined showbiz to become an action star, just like my father,” ani AJ. “But life has a different path for me, and so far, everything is doing fine.”   

May talento rin si AJ sa pagkanta.  Kwento niya, “In fact, I already recorded a song along with my brother.  And we recorded it under Viva Records.”  

Sina AJ Raval, Angeli Khang at Jela Cuenca ay todo-bigay sa pagiging senswal sa “Taya”, ngunit tulad rin sila ng mga simpleng dalaga na gustong gumawa ng mabuti, makamit ang pangarap, at galangin ng mga tao tulad ng kanilang pagbibigay respeto sa iba.  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi nagkamali ang Viva sa pagtaya sa kanila bilang mga VMX Crush.  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending