Lolit Solis guilty sa ginawa kay Bea Alonzo noon

Lolit Solis guilty sa ginawa kay Bea Alonzo noon, thankful na hindi napikon

Therese Arceo |May 04,2024
facebook
share this

Lolit Solis guilty sa ginawa kay Bea Alonzo noon, thankful na hindi napikon

Therese Arceo - May 04, 2024 - 05:51 PM

Lolit Solis guilty sa ginawa kay Bea Alonzo noon, thankful na hindi napikon

NAGULAT ang talent manager at showbiz colomnist na si Lolit Solis matapos niyang mabalitaan ang pagsasampa ni Bea Alonzo ng kasong cyber libel laban kina Ogie Diaz, Cristy Fermin, at ng mga kasamahan nito.

Sa isa sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang kanyang sentimento tungkol sa malalaking balita ngayong linggo.

Ani Lolit, “Nagulat ako sa ginawa ni Bea Alonzo na pagsampa ng [cyber] libel case sa mga kasamahan natin writers. Kasi nga guilty din ako sa mga nauna kong sinulat nuon na mga kagagahan tungkol kay Bea.

“Pero in fairness at thankful ako na hindi napikon si Bea Alonzo. Kung minsan kasi, may mga pagkakataon na iba ang mood mo pag meron mga ganitong pangyayari.”

Baka Bet Mo: Lolit Solis saludo kina Heart at Chiz: Perfect combination sila

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pag-amin ni Lolit, napikon daw siya sa binitawang salita nion ng manager ni Bea na si Shirley Kuan.

“In fact napikon pa ako sa binitawan salita nuon ni Shirley Kuan na ‘I will consult my lawyer’. But in fairness talaga at very thankful ako, naging very sweet at forgiving ni Bea Alonzo ng magkita kami sa isang presscon.

“Kaya nga masasabi ko, tiyempo lang kung minsan. May mga mood din kasi bawat tao, at kung minsan pag natiempo ka sa pangit na mood, hayun na.”

Matatandaang nag-ugat ang hindi pagkakaintindihan sa kampo nina Lolit at Bea dahil sa isang presscon na diumano’y pinaalis ang talent manager sa guest list.

Ngayon ay thankful si Lolit dahil nagkapatawaran na sila ng Kapuso actress.

Samantala, naglabas rin siya ng opinyon ukol sa kasong isinampa ni Bea laban sa kanyang mga kasamahan.

“Parehong may ipinaglalaban ang dalawang kampo. Pareho tiyak na desidido sila na ipakita kung sino ang tama. At pareho din sila tiyak na naka focus sa resulta ng kanilang aksiyon.

“Tulad siguro ni Vhong Navarro na talagang 10 taon ang hinintay para sa kaso na isinampa laban kila Denice Cornejo at Cedrick Lee, handa din maghintay ng matagal sila Bea Alonzo at mga kinasuhan niyang writers,” sey ni Lolit.

Chika pa niya, mukha namang nakahanda ang parehas na kampo para ipaglaban ang kanilang mga sarili.

“Ipinaglalaban ng bawat panig ang kanilang karapatan. Ang kanilang paniniwala na tama ang kanilang ginawa. Dasal ng lahat na kung maayos, sana maayos pa,” sey ni Lolit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy niya, “Maghintay na lang tayo, alam ni Bea Alonzo ang kanyang ginawa, at alam din nila Cristy Fermin at Ogie Diaz ang kanilang karapatan. Hintayin natin ang magiging resulta. Hintayin natin hanggang saan makakarating. Idasal natin na sana maging maayos ang lahat.”

Giit pa niya, marami na ang problema sa paligid at saba raw ay mas magaan na ang mga susunod na pangyayari.

“We wish the best for both parties. Maayos sana maging takbo ng kanilang mga aksiyon. Bongga,” hirit pa ni Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending