Cristy Fermin dinipensahan si Dennis laban sa ‘sustento’ issue
IPINAGTANGGOL ng kolumnistang si Cristy Fermin ang actor-comedian na si Dennis Padilla ukol sa kakulangan nito sa pagsusustento sa mga anak niya kay Linda Gorton.
Sa isang episode ng kanyang showbiz program na “Cristy Ferminute” noong Lunes, April 29, sinabi nitong responsableng tatay pa rin ang komedyante dahil inaalala pa rin nito ang kanyang obligasyon sa mga anak.
“Ako naman, ang iniisip ko, responsable pa ring ama si Dennis Padilla dahil kahit kakaunti lang ang kaniyang proyekto, alam niya ang kaniyang obligasyon sa kaniyang mga anak na nasa Australia ‘di ba?” saad ni Cristy.
“Kaya lang kung kulang, naku, marami po akong alam na kuwento hindi talaga nagsusustento ang ama sa kaniyang mga anak,” pagpapatuloy pa niya.
Baka Bet Mo: Linda Gorton sa padalang ‘child support’ ni Dennis: ‘Matagal at kulang’
View this post on Instagram
Chika pa ni Cristy, dapat raw ay magpasalamat pa rin dahil nagbibigay pa rin ito sa kanyang mga anak kahit papaano.
“Hindi na lang tayo nagsasalita pero dapat ay magpasalamat na lang din tayo sa mga ama na nagpapadala ng mga sustento, ‘di ba. Gano’n lang ‘yon,” sey ng kolumnista.
Matatandaang sa isang interview ni Dennis kay Aster Amoyo na mapapanood sa YouTube channel nito ay nausisa ang komedyante ukol sa kanyang relasyon kay Linda.
Dito ay sinabi niyang nag-uusap na lang sila para sa mga kailangan ng mga bata.
“Through text lang. Sa mga co-parenting na lang. So every time we text kung ano ang kailangan sa school, mga gano’n. Papadala ka na lang ng child support, mga gano’n na lang. Co-parenting na lang talaga kami,” lahad ni Dennis.
Ngunit sinabi ni Linda sa isang social media post na hindi naman consistent ang pagpapadala ng komedyante ng suporta sa mga anak.
“Through the years there were many lapses in between. And many time I had to, and still have to persistently ask for it kasi kung papabayaan ko matagal at kulang-kulang ang padala,” sey niya.
“Ako lang ang nagpuno sa mga pagkukulang na iyon…In fact the support he gives to the children, when spent here lumiliit na kasi the actual cost of living in Australia is far more expensive compared to the Philippines,” paliwanag ni Linda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.