Dennis handang makipag-ayos kay Marjorie para sa mga anak

Dennis Padilla handang makipag-ayos kay Marjorie para sa mga anak

Therese Arceo - May 17, 2024 - 06:47 PM

Dennis Padilla handang makipag-ayos kay Marjorie para sa mga anak

WILLING raw makippag-ayos ang aktor at komedyanteng si Dennis Padilla sa dating asawa na si Marjorie Barretto para na rin sa kanilang mga anak.

Sa Thursday episode ng showbiz program na “Cristy Ferminute” ay nabanggit ng kolumnista na natutuwa siya sa pagiging bukas ng komedyante na maging ok sila ng estranged husband.

“Ako’y natutuwa dahil napakabukas ng puso at isip ni Dennis Padilla tungkol sa pakikipag-ayos, pakikipagsundo, pakikipag-usap kay Marjorie Barretto. Napakaganda nito,” lahad ni Cristy Fermin.

Pagpapatuloy niya, “Kasi hindi naman pupuwedeng laging ganito ang sitwasyon. Ang nagsa-suffer dito—hindi man sila nagsasalita—may lungkot po ang kanilang tatlong anak sa ganito.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin dinipensahan si Dennis laban sa ‘sustento’ issue

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hirit pa ni Cristy, parehas naman na silang naka-move on at sana ay maging maayos na sila para na rin sa mga anak.

Marami rin sa mga viewers at listeners ng kolumnista ang masaya at humanga kay Dennis dahil sa pagiging open nito sa pag-reach out sa mga anak.

“I’m sure hindi man nagsasalita ang kanilang mga anak, sila ang unang-unang magiging maligaya dahil hindi man nagsasama ang kanilang mga magulan, ‘yung punto pa lang na nagkakaunawaan na, sapat na ‘yun sa kanila,” sey pa ni Cristy.

Matatandaang nitong Pebrero lang ay masayang ibinalita ni Dennis na nag-reach out sa kanya ang anak na si Julia Barretto nang mag-birthday sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending