Dennis Padilla may bilin sa lahat ng anak, nag-sorry sa mga ex

Dennis nagbilin sa lahat ng anak na magtulungan, nag-sorry sa mga ex

Pauline del Rosario |April 15,2024
facebook
share this

Dennis nagbilin sa lahat ng anak na magtulungan, nag-sorry sa mga ex

Pauline del Rosario - April 15, 2024 - 05:30 PM

Dennis nagbilin sa lahat ng anak na magtulungan, nag-sorry sa mga ex

PHOTO: Instagram/@dennisastig

MAGTULUNGAN dapat kayong magkakapatid.

Ito raw ang naging bilin ng comedian-actor na si Dennis Padilla sa lahat ng kanyang mga anak kahit noong mga bata pa raw ito.

Sa recent YouTube episode na “TicTALK with Aster Amoyo” nagkaroon ng one-on-one interview si Dennis upang magbigay ng update sa kanyang buhay.

Isa sa mga inusisa ng showbiz columnist ay kung kamusta ang mga anak ng aktor sa isa’t-sa.

Ayon kay Dennis, tanggap ng mga anak niya ang bawat isa at dito niya ibinunyag ang mga naging bilin sa mga ito.

Baka Bet Mo: Xian Gaza tinalakan si Dennis Padilla: Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan

“Maliliit pa lang sila, sinabi ko na sa kanila na number one, huwag nilang iko-consider na half-brother, half-sister –basta kapag pinakilala niyo ‘brother,’ kapag pinakilala niyo ‘sister.’ Kasi sabi ko, sa natural na takbo ng buhay, dahil sa edad namin, siguradong mauuna kami (mamatay), kayo lang ang maiiwan,” kwento niya.

Patuloy niya, “Kapag naiwan na kayo, kayo lang ang matitirang magkakapatid, kayo lang ang dapat magtulungan.”

“Binilin ko rin sa kanilang lahat, sabi ko sa kanila, hindi lahat kayo magiging successful sa buhay –merong mayaman, merong hindi mayaman, merong mahirap, kasi iba-iba ang takbo ng buhay. Ang binilin ko lang, kung sino ang mayaman, mas nakakaangat sa buhay, hanapin niyo ‘yung mga kapatid niyo na nangangailangan ng tulong,” pagbabahagi ng aktor.

Ani pa niya, “Huwag niyong antayin na sila ang lumapit sa inyo. Alam ko ‘yung pride ng Pinoy eh. Kapag wala ka, ayaw mong lumapit doon sa meron.”

Para sa mga hindi aware, tatlo ang naging babae sa buhay ng aktor na sina Monina Gatus, Marjorie Barretto at Linda Gorton.

Sina Julia, Claudia at Leon Barretto ay anak niya kay Marjorie, may dalawang anak naman siya kay Monina na sina Dianne at Luis, habang kay Linda ay sina Gavin at Maddie.

Baka Bet Mo: Ogie naaawa na kay Dennis dahil sa pangdededma ng mga anak: ‘Itinakwil na ba siya?’

At speaking of dating partners, may mensahe para sa kanila ang aktor kung saan siya ay lubos na nagpapasalamat and at the same time ay humingi ng sorry. 

“‘Nung time na nagmahal ako, iba-ibang chapter din ng buhay ko ‘yun eh. I cannot compare, pero ‘yung message ko lang sa kanila, all of you became good mothers to our children,” panimula ni Dennis.

Dagdag niya, “Gusto kong humingi ng apology at kapatawaran kung ano man ang mga pagkukulang na nagawa ko sa inyo and sana lalo pa kayong ma-bless sa mga kanya-kanyang buhay niyo dahil alam ko na habang nabe-bless kayo, pati ‘yung mga anak natin, mabe-bless din.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang wish daw niya sa buhay ngayon, “Ang gusto ko nalang mangyari, kung ano man ‘yung dumating sa buhay, tanggapin mo na lang ‘yun.”

“Ipagdasal mo nalang na lahat sila healthy, lahat sila maganda ang tayo sa buhay, lahat sila kumakain tatlong beses sa isang araw at wala akong sakit, ayun nalang,” ani pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending