Pepe Herrera wish bumida sa life story ni Pepe Smith: Icon talaga siya!
KUNG bibigyan ng pagkakataon, gustong bumida ng singer-comedian na si Pepe Herrera sa biopic ng kilalang celebrity na may konek sa music industry.
Sa presscon ng bago niyang movie, ang horror-comedy na “Bantay-Bahay” mula sa Regal Entertainment, ay natanong siya kung meron pa ba siyang naiisip na dream role na nais niyang maisakatuparan.
Ayon kay Pepe, gusto raw niyang gampanan ang life story ng OPM rock icon na si Pepe Smith kung gagawin itong pelikula. Idol na idol daw kasi niya talaga mula pa noong bata pa siya ang OPM icon.
“Matagal ko na rin kasing gustong gumawa ng biopic na tribute sa isang icon,” sabi ni Pepe kaya kung may producer na magpaplanong isapelikula ang buhay ni Pepe Smith sana raw ay siya ang mapili.
Baka Bet Mo: Pepe Herrera kering-keri ang pagiging kakambal ni Piolo: OK naman, normal lang…
In fairness naman, mukhang kering-keri naman ng komedyante ang maging “Pepe Smith” dahil bukod sa may pagkakahawig sila ay marunong din siyang kumanta.
View this post on Instagram
Samantala, ang ultimate idol naman ni Pepe pagdating sa pagpapatawa ay walang iba kundi ang Comedy King na si Dolphy. Gusto naman niyang makatrabaho ang kapwa komedyanteng si Empoy Marquez.
“Si Empoy hindi ko pa nakakatrabaho sa isang pelikula. I would like to do a comedy film na sama-sama kami mga komedyante,” ani Pepe.
Baka Bet Mo: Pepe Herrera may inamin tungkol kay Piolo: Tulad ni Papa P, mahilig din ako sa halaman at hayop
Tungkol naman sa pagpapalabas sa sinehan ng “Bantay-Bahay” mula sa direksyon ni Joey Reyes, “Sobrang saya. Ang tagal naming hinintay, eh. Nasa isip namin palagi kailan kaya ipapalabas. So ito finally iso-showing na.
“I’m just very grateful na maibabahagi na namin ‘yung gawa naming pelikula,” sey pa ni Pepe.
Ito ang unang pagkakataon na nag-collab sila ni Direk Joey, “Looking forward ako na makatrabaho siya ulit kasi paulit-ulit kong sasabihin the best system that I’ve experienced so far na hopeful ako na maraming companies na mag-a-apply ng sistema. Pre-prod is everything. Pag matino ang pre-prod mo, smooth sailing na lahat.”
Kasama rin sa movie suna Casie Banks, Johannes Rissler, Melizza Jimenez, Karl Gabriel, at Rolando Inocencio. Showing na ang “Bantay-Bahay” sa mga sinehan simula sa May 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.