Pepe Herrera bukas ang 3rd eye, nakakita ng dwende sa grotto
NANINIWALA ang komedyanteng si Pepe Herrera na lahat tayo ay bukas ang third eye at may kakayahang makaramdam o makakita ng mga elemento o mga ispiritu.
Limang taon pa lang daw siya ay may naranasan na siyang mga kakaiba at hindi maipaliwanag na pangyayari kaya feeling niya, hindi lamang mga tao ang naninirahan sa mundo.
Humarap si Pepe sa mga miyembro ng entertainment media para sa promo ng bago niyang pelikula sa Regal Entertainment, ang horror-comedy na “Bantay-Bahay” mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.
Baka Bet Mo: #BatangHenyo: Anak nina Korina at Mar na si Pepe kabisado na ang ‘7 continents of the world’
Natanong nga siya kung naniniwala ba siya sa mga multo at iba pang elemento, “I can’t say that they’re supernatural but I believe in those unseen creatures. Na hindi lang tayo ang nakatira dito.
“As early as five years old, and I felt them so many times,” aniya pa.
View this post on Instagram
So, meron siyang third eye? “Naniniwala ako na lahat tayo ipinanganak na bukas yung third eye natin. Sumasara lang siya eventually because of external factors.
“I have two kids at parehas silang tumatawa, ngumingiti kung saan-saan. May nakikita sila.
“I think sa panahon na ito, sa age na ito, it’s now backed up by science. I think ang tawag, metaphysical,” paliwanag ng aktor.
Ibinahagi ni Pepe ang karanasan niya noong bata pa siya kung saan nakakita siya ng maliit na nilalang na posibleng isang dwende.
“Yung ancestral house kasi namin sa Caloocan, malapit sa Monumento, I think 1950s pa siya. Medyo related din sa Bantay-Bahay, maraming nakatira na hindi namin nakikita.
Baka Bet Mo: Pepe Herrera may inamin tungkol kay Piolo: Tulad ni Papa P, mahilig din ako sa halaman at hayop
“So, as early as five years old, may nagpakita sa akin na hindi ko masabi na maliit na bata pero maliit na creature.
“Meron kaming maliit na grotto. I thought may sakit lang ako pero it transformed into a little creature, posibleng duwende, and then it went on kahit pagtanda namin.
“Yung mga kapatid ko, kung hindi sila makakarinig or nakakakita.
“Nu’ng ibinenta namin ang bahay, ipina-bless na lang namin. Mukha naman happy yung nakabili,” kuwento ng aktor.
Samantala, showing na ang latest offering ng Regal Entertainment na “Bantay-Bahay” sa mga sinehan simula bukas, May 1.
View this post on Instagram
Sa naganap na presscon ng naturang horror movie with a nakakalokang twist, inamin ni Pepe na hangga’t maaari ay ayaw muna niyang gumawa ng “straight horror” bilang proteksyon sa kanyang mental health.
“I cannot do straight horror. Hindi ko kayang gumawa ng straight horror sa ngayon, to protect my mental state.
“Okay sa akin ang mga hybrid, horror comedy, action comedy. Basta may bahid ng comedy,” aniya.
Puring-puri naman ni Pepe ang direktor nila sa movie na si Joey Reyes na siya ring sumulat ng script.
“I would just like to say that I’m very grateful. Kasi si Direk Joey, bukod sa naging kaibigan ko sa pelikulang ito, I can say without bias na yung sistema niya ang pinakamaganda na naranasan ko, hindi lang sa pandemic, outside pandemic.
“Nag-start kami ng (shooting) ng 10 a.m. lagi. Natatapos kami ng kung hindi 10 p.m., mas maaga pa. Sobrang smooth sa set niya. Sobrang ganda ng pre-production nila.
“I hope maraming productions ang mahawa or dumaan sa ganitong sistema kasi sa ginawa niya, we can say na kaya pala. Walang excuse.
“Kaya pala basta maganda yung pre-production, kaya I’m very grateful, nakatrabaho ko si Direk Joey at sana makatrabaho ko siya uli,” ang pahayag ni Pepe.
Ayon naman kay Direk Joey, habang tinatapos niya ang script ng “Bantay-Bahay” ay si Pepe raw talaga ang nasa isip niya para gampanan ang lead character.
Kasama rin sa “Bantay-Bahay” sina Casie Banks, Johannes Rissler, Melizza Jimenez, Karl Gabriel at Rolando Inocencio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.