Angeline sinabing bading si Nonrev nang ipakilala kay Vice

Angeline sinabing bading si Nonrev nang ipakilala kay Vice, bakit kaya?

Ervin Santiago |April 30,2024
facebook
share this

Angeline sinabing bading si Nonrev nang ipakilala kay Vice, bakit kaya?

Ervin Santiago - April 30, 2024 - 07:40 AM

Angeline sinabing bading si Nonrev nang ipakilala kay Vice, bakit kaya?

Ion Perez, Vice Ganda, Angeline Quinto at Nonrev Taquina

FRESH na fresh pa sa isip ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda ang unang pagkikita nila ng asawa ni Angeline Quinto na si Nonrev Daquina.

Naaalala pa ng TV host-comedian ang mga eksena nina Angeline at Nonrev that time kung saan una ring inamin sa kanya ng biriterang kaibigan na dyowa na nga nito ang mister na niya ngayon.

Kuwento ni Vice sa kanyang speech sa reception ng wedding ng bagong-kasal kamakailan, “Dinala niya (Angeline) si Nonrev sa bahay namin, hindi niya pa sinasabi na dyowa niya. Sabi niya, pupunta siya pero may kasama siyang kaibigan.

“Pagdating niya sa bahay, may kasama siyang lalaki. Kasi sabi ko, ‘Bakla ba yun?’ Noong una sinabi niya na bading si Nonrev, kasi sabi ko hindi puwedeng magpapunta ng lalaki sa bahay, kasi siyempre, housewife na ako.

Baka Bet Mo: Angeline buntis sa 2nd baby nila ni Nonrev; masayang-malungkot sa kasal

“So, sinabi niya, bakla si Nonrev. Sabi ko, parang ang daming tattoo. Hindi siya masyadong nagsasalita kasi baka kako ayaw niya magpabuking na lalaki siya,” paglalahad ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy pa niya, “Tapos sinabi na nga ni Angge na lalaki nga rin si Nonrev, boyfriend niya nga raw.

“E, ako naman, hindi naman ako sagabal, hindi ako daot. Kumbaga, kung bet mo yan, trip mo yan, o sige, go!” dagdag chika pa niya.

Ayon pa sa TV host-comedian, super happy siya na finally ay natagpuan din ni Angeline ang lalaking nais niyang makasama forever. Nagbitiw din siya ng promise sa kanyang BFF.

Sey ni Vice kay Angge, “At the end of the day, ikaw naman ang magde-decide. Sa dulo na lang ako. Mag-aantay ako sa yo kung saan ka papunta.

Baka Bet Mo: Angeline ikinasal na kay Nonrev; Vice Man of Honor, Flower Girl si Sarah

“Kung pausad ka ba, paatras ka ba, paangat o pabagsak ka ba, sasamahan na lang kita kung nasasaan ka. Aabangan ko na lang kung iiyak ka. Aabangan ko na lang kung tatawa ka.

“Basta kung anuman ang mararamdaman mo sa dulo, sasamahan kita. Kung nagtagumpay ka man diyan, e, di sabay tayong tatalon, magse-celebrate tayo.

“Kung hindi man, hindi sabay tayong luluhod, iiyak tayong dalawa. Ganu’n lang naman ako,” dugtong niya.

Nagbigay din si Vice ng message para kay Nonrev, “I am very happy for you and thank you very much. Thank you, thank you very much.

“You came at the right time. You came at the time when she was still broken.
And she needed someone to. She needed someone to lean in, she needed someone to hug, to love, to kiss.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kailangang-kailangan niya ng totoong pag-ibig noong mga panahon na dumating ka. Nagpapasalamat ako na nandodoon ka, na ibibigay ka agad noong panahon na yun.

“Kasi kung hindi, mahihirapan siya, at kapag nahirapan siya, masasaktan ako. Parang magkadutong na ang damdamin naming dalawa. Kapag malungkot siya malungkot din ako. Kapag malungkot ako, malungkot siya.

“Hindi kami papayag na may nasasaktan sa amin kasi mahal namin ang isa’t isa. Nakikita ko kung paano mo siya minamahal at pinapasaya ang puso niya. Masayang-masaya ako don. Kaya maraming-maraming salamat sa iyo,” ang seryosong pahayag pa ni Nonrev.

“Sana gabayan kayo ng Panginoon araw-araw. Sana hindi maupos at mawala yung pagmamahal niyo sa isa’t isa. May mga pagkakataon na hindi masaya, but it’s okay. May mga pagkakataon na hindi na nakakakilig, but it’s okay.

“May mga pagkakataon na nakakapagod, pero magpahinga lang kayo. Okay lang na magpahinga basta hindi bibitaw. I will just be here. Isang chat lang nandiyan na ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Susuportahan ko kayo at mamahalin ko kayong dalawa hanggang huli. I love you!” ang mensahe pa ni Vice sa bagong-kasal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending