Vice feeling tunay na sisteraka si Angeline: Magkamukha na kami!

Vice feeling tunay na sisteraka si Angeline: Parang magkamukha na kami!

Ervin Santiago |April 29,2024
facebook
share this

Vice feeling tunay na sisteraka si Angeline: Parang magkamukha na kami!

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 03:04 PM

Vice feeling tunay na sisteraka si Angeline: Parang magkamukha na kami!

FEELING talaga ni Vice Ganda ay totoong magkapatid sila ni Angeline Quinto dahil sa matinding pagmamahal at pagrespeto nila sa isa’t isa.

Tanggap na tanggap din daw ng TV host-comedian na si Angeline ang kanyang female version, dahil sa tingin niya ay magkamukha na sila ng singer-actress.

Magkasundo rin daw sila sa maraming bagay at halos pareho rin ang mga pagsubok na pinagdaanan nila sa buhay.

“Isang umaga, nagte-text na akin si Kate, sabi niya, ‘Kausapin mo na si Angge.’ Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Nagpa-tattoo.’ Sabi ko, ‘Talaga, e, hayaan mo na, matanda naman na siya?’

“Tapos, maya-maya, pagbukas ko ng ASAP, kumakanta siya, may tattoo na rin siyang star dito sa braso. Tapos sabi ko, ‘Oh my God, pareho kami ng tattoo!’

Baka Bet Mo: Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n’yo naman alam ang pinagdaanan namin

“Kaya naman pala ako yung tinawagan ni Kate, ako yung tinatalakan, baka akala niya na sinabi ko kay Angge na magpa-tattoo,” ang bahagi ng speech ni Vice sa kasal nina Angeline at Nonrev Daquina.

“Pero talaga, parang kami talagang magkapatid. Kasi feeling ko talaga, magkamukha kami. Tapos, stylist niya pa si Bang Pineda, na stylist ko rin.

“Tapos, sabi ko pa kay Bang Pineda, ‘Bang, bakit parang magkamukha na kami lagi ni Angeline? Yung hair ko, hair din ni Angeline. Tapos yung lagi ako nag-o-oversized suit, si Angeline din nakaganu’n.’

“Tapos, nag-cover siya ng Preview. Pagtingin ko ng cover ng Preview, akala ko ako yung cover, si Angeline pala!

“Tapos sine-send niya sa akin lagi, sabi niya, ‘Magkamukha talaga tayo, magkapatid talaga tayo!'” ang chika pa ni Vice na ikinahagalpak ng mga bisita ng bagong-kasal.

Tuwang-tuwa rin si Vice kapag nag-aasaran sila ni Angge, “Every morning po ang buwisitan namin lagi. Magsisi-send siya sa akin lagi ng mga pictures ko na saksakan ako ng pangit, yung mga kauna-unahan ko pang pictures.

“So, kinakalkal ko rin yung mga pictures niya sa online na nandoon, yung mga pangit na pictures niya, yung mga… hindi ka ba nagpapagawa non, di ba?” aniya pa.

Inalala rin ng TV host-comedian ang mga chikahan nila ni Angeline about their humble beginnings, kabilang na ang mga karanasan nila noong nag-aaral pa lang.

Kuwento ni Vice, “So yun, kasi pareho kaming laki sa hirap ni Angeline. Taga-Sampaloc siya, taga-Avenida naman ako. Tas taga-FEU ako, taga-CID siya, magkatabi lang eskuwelahan namin, sa Central Market, pero mas pangit yung school niya.

“Anyway, niloloko ko pa nga siya, sabi ko, ‘Saan ka nag-aaral dati?’ Sabi niya, ‘Sa CID…’ Kasi sa Recto po, kapag galing FEU, sumasakay ako sa Recto, doon ako nagdyi-jeep papuntang Avenida.

“Kaya sobrang kaming connected, kasi ang jologs naming dalawa, sobrang jologs namin, ang simple lang namin, masaya kami sa mga kabaduyan naming dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mahal na mahal namin yung isa’t isa, kaya ang daming mga bagay na hindi namin nasasabi sa maraming tao, pero nasasabi namin sa isa’t isa, kasi safe space namin ang isa’t isa.

“Kung magsasalita kaming dalawa sa isa’t isa ng mga bagay, hindi kami matatakot na kinabukasan, e, malalaman na ng maraming tao,” pahayag pa ng Phenomenal Box-Office Star patungkol kay Angeline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending