Vice naging super close kay Angeline dahil sa isang 'call'

Vice naging close kay Angeline dahil sa isang tawag: Iyak siya nang iyak

Ervin Santiago |April 28,2024
facebook
share this

Vice naging close kay Angeline dahil sa isang tawag: Iyak siya nang iyak

Ervin Santiago - April 28, 2024 - 08:15 AM

Vice naging close kay Angeline dahil sa isang tawag: Iyak siya nang iyak

Nonrev Daquina, Vice Ganda at Angeline Quinto

“AKO po talaga yung nagpakasal sa kanila, ako talaga gumastos dito!” ang hirit ni Vice Ganda sa mensahe niya para kina Angeline Quinto at Nonrev Daquina.

Ang TV host-comedian ang nagsilbing Man of Honor sa kasal nina Angeline at Nonrev nitong nagdaang Huwebes, April 25, na ginanap sa Quiapo Church.

Nagbigay ng kanyang nakakatawa at inspiring speech si Vice para sa bagong kasal sa naganap na wedding reception sa Manila Hotel.

Dito, binalikan ni Vice kung paano nagsimula ang friendship nila ni Angeline at kung gaano sila ka-close ng singer-actress sa tunay na buhay.

Baka Bet Mo: Angeline super proud sa sarili: Napaka-strong ko palang babae, sa kabila ng mga nangyari sa akin, heto pa rin ako…

“Good evening everyone. Maraming salamat po sa pagdalo. Ako po talaga yung nagpakasal sa kanila, ako po talaga ang gumastos dito! Charot!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi, I’m just so happy to witness this wonderful celebration. Napapaligiran kayo (Angeline at Novrev) ng napakaraming tao na sumusuporta at nagmamahal sa inyong dalawa.

“Masaya kayong dalawa tonight, at lahat ng tao na nandito ay masaya rin para sa inyo. Ang ganda nu’n. Ang saya nu’n.

“Your love is to be celebrated all the time. Kasi your love is pure sa isa’t isa. It’s so beautiful,” ang simulang mensahe ng komedyante.

Baka Bet Mo: Angeline nakiusap sa mga kaibigan na bumili ng ticket sa kanyang concert; tatay ng magiging anak may work, pero…

Sey pa ni Vice, parang tunay na magkakapatid na talaga ang turingan nila ni Angeline, “Malalim po kasi talaga ang pagiging magkaibigan namin ni Angge

“Actually, friends or best friends, parang understatement siya, e, kasi parang pamilya kasi kami talaga. Para ko siya talagang kapatid.

“Naikuwento ko na ito dati sa Magandang Buhay, kasi meron akong kapatid. Kaya yung nanay ko, mahal na mahal si Angeline, kasi meron akong kapatid na Angeline din ang pangalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero bata pa lang siya binawi na siya sa pamilya natin. Kaya noong na-meet ng nanay ko si Angeline, feeling niya si Angeline yung nawala niyang anak. At feeling ko rin, siya talaga yung nawawala kong kapatid.

“Nu’ng na-meet ko nga siya, sabi ko, ‘Bakit nakita pa kita ulit?’ Ha-hahaha! So, malalim talaga yung pinagsamahan namin,” chika pa ni Vice.

Nag-start daw talaga pagkakaibigan ni Angeline sa isang tawag ng singer sa kanya habang iyak ito nang iyak. Personal niya itong pinuntahan sa tinitirhang condo dahil talagang nag-worry siya.

“Alam niyo, ang weird nung pinagsimulan ng friendship namin ni Angeline. Pareho kasi kami ng handler, si Kate. Tapos there was one time, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang number ko, bigla siyang tumawag sa akin tapos humahagulgol siya.

“Sabi niya, ‘Ate Vice, nasaan ka?’ Sabi ko, ‘Nasa bahay.’ Tapos iyak lang siya nang iyak, hindi ko alam kung bakit.

“Tapos sabi ko, ‘Bakit ka umiiyak?’ Sabi niya, ‘Malungkot lang ako.’

“Sabi ko, ‘Bakit ako yung tinawagan mo?’ Sabi niya, ‘Kasi ikaw yung nagpapasaya sa akin every day. Gusto lang kita marinig kasi baka sumaya ako.’

“Hindi pa kami masyadong close nun, pero sabi ko, ‘Saan ka nakatira?’ Pinuntahan ko siya sa bahay niya. Iyak lang siya nang iyak, niyayakap niya ako.

“Tapos sabi ko, ‘Bakit ka ba umiiyak, anong problema mo?’ Sabi niya, ‘Wala.’

“Tapos na-realize ko, parang, ‘Paanong hindi ka mag-iiyak, para kang baliw, yung tugtugan niya puro Sarah Geronimo na masasakit na kanta.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala naman siya pinagdadaanan pero dinadama niya yung mga kanta. Tapos, tawa lang kami nang tawa. From then on, wala na akong choice, sa kanya na yung number ko, nagte-text na kami lagi,” pagbabalik-tanaw pa ni Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending