'FPJ's Batang Quiapo' tumitindi ang mga eksena

‘FPJ’s Batang Quiapo’ tumitindi ang mga eksena, Lena nabuntis ni Rigor

Reggee Bonoan - April 26, 2024 - 04:00 PM

'FPJ's Batang Quiapo' tumitindi ang mga eksena, Lena nabuntis ni Rigor

PHOTOS: Screengrab from YouTube/ABS-CBN Entertainment

PINAGPIYESTAHAN ng netizens ang pinakainaabangang eskandalong komprontasyon nina Marites (Cherry Pie Picache) at Lena (Mercedes Cabral) sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nakakuha ang April 23 episode ng 436,663 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live.

Pagkatapos ng sunod-sunod na paghihinala, sa wakas ay nakumpirma ni Marites ang pambababae ng asawang si Rigor (John Estrada) pagkatapos niyang mahuli ito na nakikipaghalikan sa kabit nitong si Lena.

Nanggagalaiti sa galit at wasak ang puso, sinugod at sinabunutan ni Marites si Lena habang ipinagsigawan sa mga kapitbahay ang sikretong relasyon ng dalawa.

Walang kaabog-abog naman si Lena at sinugod din si Marites habang ipinagmamalaki niya ang pagiging kabit.

Baka Bet Mo: Mercedes Cabral wala pa ring arte sa paghuhubad, sumabak naman sa comedy: Mas madali palang magdrama kesa magpatawa

Ang hindi pa alam ni Marites, buntis si Lena at nangako si Rigor na pananagutan nito ang anak nila.

Samantala, unti-unting nagiging malapit sa isa’t isa sina Tanggol (Coco Martin) at Bubbles (Ivana Alawi) at nangako silang hindi na sila gagawa ng mga krimen.

Subalit, mukhang masasangkot ulit sila sa gulo dahil pagiinitan si Tanggol ni Pablo (Elijah Canlas), ang mayabang na anak mula sa pamilya Caballero, nang magkita sila sa bar na pinapasukan ni Tanggol.

Katapusan na ba ng ito relasyon nina Marites at Rigor? Makakapagtimpi ba si Tanggol kay Pablo?

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending