Mercedes Cabral wala pa ring arte sa paghuhubad, sumabak naman sa comedy: Mas madali palang magdrama kesa magpatawa | Bandera

Mercedes Cabral wala pa ring arte sa paghuhubad, sumabak naman sa comedy: Mas madali palang magdrama kesa magpatawa

Ervin Santiago |January 22,2023
facebook
share this

Mercedes Cabral wala pa ring arte sa paghuhubad, sumabak naman sa comedy: Mas madali palang magdrama kesa magpatawa

Ervin Santiago - January 22, 2023 - 07:15 AM

Mercedes Cabral wala pa ring arte sa paghuhubad, sumabak naman sa comedy: Mas madali palang magdrama kesa magpatawa

Mercedes Cabral

SIGURADONG masa-shock na naman ang mga manonood sa pinakabagong Vivamax Original series na “Erotica Manila” na pinagbibidahan ng mga award-winning at mga controversial stars ng Viva Entertainment.

Isang bagong series ang siguradong pag-uusapan ng lahat dahil sa dala nitong kontrobersya, at kaakit-akit na mga eksena. Mag-ready na para sa rough, hot, at wild experience mula sa pinakabagong offering ng Vivamax, ang Erotica Maniila

Ang “Erotica Manila” ay isang four-part series na may apat na kuwento tungkol sa iba’t ibang sexcapades na pwedeng ma-experience sa Metro Manila. Mula sa direksyon ni Law Fajardo, mapapanood na ito simula January 29, exclusively sa Vivamax.

Isa nga sa bibida rito ay si Mercedes Cabral na nakilala sa mga pelikula ni Brillante Mendoza na isinali sa Cannes Film Festival, kabilang na riyan ang “Kinatay”, “Serbis”, “Thy Womb” at “Captive”.

Napanood din siya sa Korean horror drama na “Thirst” at sa Kapamilya  TV series na “Huwag Kang Mangamba”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MERCEDES CABRAL (@mercedes__cabral)


Sa “Erotica Manila” gumaganap siya bilang isang aging actress na magkakaroon ng affair sa production assistant played by Vince Rillon.

Sa virtual mediacon ng “Erotica Manila”, natanong ang aktres kung kumusta katrabaho sina Vince at Direk Law Fajardo, “I enjoyed working with both Vince and Direk Law.

“First time ko with both of them and I had fun kasi they’re both very professional. Si Direk Law, he listens, very collaborative. He made sure I’m comfortable sa mga pinagawa niya sa akin. He met me halfway in the erotic scenes,” kuwento ni Mercedes.

Sa trailer ng serye, makikita ang sandamakmak na sex scenes na ginawa nila ni Vince. Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project?

“When I got the script, inisip ko nga muna if I would acept it. But when I accepted na, I gave it my all. Maganda kasi yung episode namin, may touch ng comedy, which I like, kasi mga nagawa ko before, puro drama, so this one is different.

“But this is where I realized mas madali magdrama kaysa magpatawa ng tao. Very challenging din ang role ko for me, kasi loud siya, high energy, very outgoing, which is not really me,” paliwanag ng aktres.

Sa tanong kung ano ang masasabi niya sa mga nag-aakusa sa Vivamax na pornography na raw ang napapanood dito?

“There’s really a thin line that divides erotica from pornography. Erotica is also sexually stimulating but much deeper, mas may importanteng story, mas may art than porn.

“Porn naman kasi has walang aesthetic value but just aimed to arouse its viewers sexually. In this series, the erotic scenes are all necessary to the story kaya ko tinanggap and we’re proud of it,” depensa ni Mercedes.

Samantala, ang unang episode sa “Erotica Manila” ay ang “Cinema Parausan” ni Azi Acosta at ng Gawad Urian nominated actor na si Alex Medina.

Kwento tungkol sa isang film buff na nagpunta sa isang lumang cineplex para manood ng classic erotic film. Sa pagdating niya sa sinehan, matutuklasan niya na bukod sa pagpapalabas ng erotic films ay may mga sex workers din doon na nag-aalok ng extra service para sa mga manonood. Pati siya ay aalukin ng panandaliang kasiyahan na hindi niya matatanggihan.

“Girl 11” naman ang title ng kasunod na episode na pinagbibidahan nina Josef Elizalde at Cara Gonzales. Kwento ng lalaking news writer na nagpunta sa isang massage parlor na nag-aalok ng special service para matakasan ang mga iniisip at problema sa buhay.

Pipila para pagpilian niya ang grupo ng kababaihan, at dito niya makikita si Girl #11. Susulitin niya ang binayad at magkakaroon ng mapusok at mainit na gabi kasama ang napiling babae. Pero sa pagitan ng lahat na ito ay may sikretong pinaparating ang mga halik ng babae.

Pangatlong episode ang “The MILF and the OJT” nga nina Vince Rillon at Mercedes Cabral. Isang middle-aged sexy star na unti-unti ng nalalaos ang nasa isang kilalang apartment para magshoot ng pelikula.

Dito niya makikilala ang isang binatang production intern na papasok sa loob ng kanyang unit. Sa paglabas ng binatang intern sa kwarto ng sexy star ay may bago at kakaibang sexual experience na itong naranasan.

Ang pang-apat at panghuling episode ay ang “Death by Orgasm,” starring Felix Roco, Alona Navarro, at Benz Sangalang. Babawian ng buhay ang isang lalaki matapos nitong madisgrasya habang nagtatago sa ilalim ng kama ng mag-asawang nasa gitna ng intense love making.

Mula sa Viva, panoorin ang apat na magkakaiba at kakaibang mga kwento na may mga nakakaintrigang bida. Muling mag-iinit ang paligid sa “Erotica Manila” streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong January 29, 2023.

Pia super excited na sa reunion nila nina Demi Tebow at Iris Mittenaere; Catriona gora kaya sa Miss Universe PH 2022 finals?

Paolo Gumabao: Mahal na mahal ko ang stepfather ko kasi grabe yung pagtanggap niya sa akin…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea nakapagpatayo ng pangarap na bahay hindi dahil sa pag-aartista kundi…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending