Pia super excited na sa reunion nila nina Demi Tebow at Iris Mittenaere; Catriona gora kaya sa Miss Universe PH 2022 finals? | Bandera

Pia super excited na sa reunion nila nina Demi Tebow at Iris Mittenaere; Catriona gora kaya sa Miss Universe PH 2022 finals?

Ervin Santiago |April 28,2022
facebook
share this

Pia super excited na sa reunion nila nina Demi Tebow at Iris Mittenaere; Catriona gora kaya sa Miss Universe PH 2022 finals?

Ervin Santiago - April 28, 2022 - 06:06 PM

Catriona Gray, Pia Wurtzbach at Iris Mittenaere

EXCITED na si Miss Universe 2015  Pia Wurtzbach sa bonggang “reunion” nila ng dalawa pang Miss Universe titleholder na sina Demi Tebow at Iris Mittenaere.

Abangers na ang TV host-actress sa muli nilang pagkikita-kita sa  Manila para sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 pageant sa darating na Sabado, April 30 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Pia ng kanyang mga litrato na kuha sa kanyang sosyal na kuwarto sa Okada Manila kung saan makikita sa kanyang harapan ang iba’t ibang uri ng cake at bouquet ng bulaklak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)


Nag-comment naman si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere sa post ni Pia ng, “I am coming.”

Nag-post din ang beauty queen mula sa France ng photo sa kanyang IG Story kasama ang kanyang luggage na may nakasulat na, “Airplane mode.”

Ngayong araw naman dumating sa Manila base sa kanyang Instagram Stories si Tebow ng South Africa, na kinoronahang Miss Universe noong 2018.

Makikita sa mga ibinahagi niyang litrato ang mga Filipino cabin crew na nakasama niya sa flight patungong Pilipinas.

Matatandaang huling nagkasama-sama ang tatlong Miss Universe winner sa Manila noong 2018 kung saan kinoronahan namang Miss Universe si Catriona Gray.

Nakatakda rin nilang makasama ang reigning Miss Universe na si Harnaaz Sandhu mula sa India, na isa sa magiging judge sa finals night ng Miss Universe 2022 pageant.

Ang hindi lang kami sure ay kung makakasama ng mga reyna ng universe si Catriona na balitang nakabalik na rin ng Manila base sa kanyang latest Instagram post. Yan ang ating aabangan!

Bea, Angelica rumampa sa reunion ng barkada kasama ang mga dyowa; Anne super enjoy sa ‘Maritess time’

Kundisyon ni Juday sa reunion project nila ni Piolo: Kung puchi-puchi lang parang unfair…

Sharon sinumbong si Maricel sa madlang pipol; game pa rin sa reunion movie nila ni Gabby

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending