Vice natagpuan na ang viral Face Paint Kid, may pa-surprise!

Vice natagpuan ang viral Face Paint Kid, sinorpresa ng bonggang treat!

Ervin Santiago |April 24,2024
facebook
share this

Vice natagpuan ang viral Face Paint Kid, sinorpresa ng bonggang treat!

Ervin Santiago - April 24, 2024 - 12:04 PM

Vice natagpuan ang viral Face Paint Kid, sinorpresa ng bonggang treat!

Vice Ganda at Lian Charles Bartolay

SA WAKAS, natagpuan din ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda ang viral kid na nagpa-face paint sa isang birthday party.

Ipinahanap kasi ng TV host-comedian ang bagets matapos mapanood ang nakakaantig nitong video kung saan nagtanong ito kung libre ba ang pagpapa-face paint.

Mabilis na nag-viral ang video ng bata dahil sa dami ng naantig at na-touch sa naging reaksyon niya nang sabihin ng artist na free lang ang pagpapa-face paint dahil nga sa birthday party yun.

Nakilala ang bata na si Lian Charles Villanoza Bartolay. Talagang humingi pa ng tulong si Vice sa mga netizens para mahanap si Lian dahil gusto niya itong makilala nang personal.

Baka Bet Mo: Heart may bagong hugot na idinaan sa lumang painting, sey ng fans: Ramdam namin ang sakit…

Mismong ang nanay ni Lian na si Chay Villanoza ang nagbahagi sa kanyang Facebook account ng video kung saan mapapanood ang bonding moments ng anak at ni Vice Ganda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nangyari raw ito last Friday, April 19, na talaga namang ikina-enjoy ni Lian nang bonggang-bongga dahil bukod sa natupad na nito ang pangarap na makapamasyal ay nakasama pa niya si Vice Ganda.

Dinala ng TV host-comedian si Lian sa isang kids play zone, at may bonus pang regalo na bisikleta.

Naki-join din sa pamamasyal nila ang mga bata sa “Karaokids” segment ng “It’s Showtime” kabilang na sina Imogen Cantong, Argus Aspiras, Princess Kathryn “Kulot” Caponpon, Jaze Capili, at Arianah Kelsey Lasam.

Baka Bet Mo: Lian Paz binalikan kung paano tinaguyod ang mga anak noon nang mag-isa: It was not an easy path but…

Matatandaang naantig ang kalooban ni Vice nang mapanood ang video ng bata na nag-aalangang pumila sa “Face Paint” corner ng isang birthday party.

Ang akala kasi nito ay may bayad ang pagpapa-paint sa mukha kaya parang nahihiya siyang lumapit sa artist na siya ring nag-upload ng video sa TikTok.

Base sa naturang video, mukhang matagal nang nandu’n ang bagets at pinapanood ang iba pang mga bata habang nilalagyan ng iba’t ibang design ang kanilang mga face.

Kitang-kita sa mukha ng batang lalaki na gustung-gusto rin niya itong subukan kaya nang lumapit siya sa artist ay nahihiya pa siyang nagtanong kung may bayad ba ito.

Napa-smile naman ng pagkatamis-tamis ang bagets nang malamang free ang face painting at nang tanungin kung ano ang gusto niyang ipa-design sa kanyang mukha ay sinabi nitong, “Spiderman po.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Maraming netizens ang na-touch sa video ng bata, kabilang na nga si Vice na ni-repost pa ang TikTok video sa kanyang X account. Nais daw itong makilala ng komedyante.

Sabi niya sa caption, “Awwww!!! Who knows this kid? I wanna meet him!”

Nangako naman ang ilang netizens na tutulong sa paghahanap sa bata at sa contact details ng mga magulang nito.

Narito ang ilan lang komento ng netizens sa nakaaantig ng video.

“This makes me teary-eyed because it reminds me of my childhood. We were so poor that time to the point I couldn’t even afford to buy a pair of slippers.”

“Kindness is contagious! But this kind of kindness could change one’s life for the better. The world will be a better place if each one of us could do at least good one act like this in our lifetime.”

“Sana mahanap na. naiiyak ako ng pinanood ko to kagabi alam ko kasi yung feeling na umattend ng birthday party na halos lahat gayak na gayak samantalang ako nakapambahay lang  nakakahiya  kumain kasi parang outcast ako.”

“It is the smallest of things that only a child can see, enjoy, and appreciate. Wishing you a well future kid!”

“Also saw that vid on tiktok, huhu too soft. if you gonna ever meet that kid po pls hug him so tight for me na rin as well hihi. God bless you vicey!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isa namang netizen na tila hindi nagustuhan ang post ni Vice. Pambabasag nito sa TV host, “For clout. I-vvlog upload sa YT. Konting tulong lang ibibigay. Yung kita ni vice ganda. Magging triple. Galing talaga. Wag mong gamitin ang bata.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending