Awra nagwalwal nang todo para takasan ang problema

Awra nagwalwal nang todo para takasan ang problema, nagsisi nang makulong

Ervin Santiago - May 05, 2024 - 10:43 AM

Awra nagwalwal nang todo para takasan ang problema, nagsisi nang makulong

Vice Ganda, Awra Briguela

MAY mga pinagdaanan sa personal niyang buhay ang youngstar at content creator na si Awra Briguela noong masangkot siya sa gulo at makulong nang ilang araw.

Binalikan ni Awra ang nasabing insidente na nangyari sa isang bar sa Makati City, noong June 29, 2023. Nakipagrambulan siya sa ilang lalaking nakainitan niya roon.

Dahil dito, inaresto siya ng mga pulis at nakulong nga nang ilang araw kasabay ng pagsasampa sa kanya ng patung-patong na reklamo.

Ayon kay Awra, pinagsisisihan niya ang kanyang nagawang pagkakamali at inaming marami siyang hugot at pinagdaraanang problema noon.

Naglabas ng saloobin ang Kapamilya star sa vlog ng kanyang manager na si Vice Ganda at dito nga niya inamin na napakarami niyang realizations noong makulong siya.

“I’m okay, I’m getting better and stronger,” ang simulang pagbabahagi ni Awra matapos ang mga pinagdaanang hamon sa buhay.

Sey naman ni Vice sa kanya, “Ang suma naman nun, lahat kayo nagkamali. Lahat kayo may sobra at pagkukulang.

“Inamin mo naman yun, di ba? Hindi mo naman ine-excuse yung sarili mo sa pagkakamaling nangyari nung gabing iyon,” dugtong ng TV host-comedian.

“Yeah, I own up to my mistakes. Ano kasi ako Meme eh, ako hindi ko kayang magpakita ng weakness ko sa mga taong mahal ko.

“Kaya after what happened noong nakauwi na ako siyempre lugmok na lugmok ako, umiyak na ako dahil hindi ko na talaga kaya,” lahad ni Awra.

Patuloy pa niya, “Nu’ng nakulong ako, parang hindi ko pa rin siya ma-realize na parang nangyayari na sa akin ‘yun. And nu’ng nangyari kasi ‘yun, hindi ko siya in-expect kasi nga YOLO (you only live once) ako nu’n eh.”

Sey naman ni Vice, “Walwalera ka noon. Walwalera, nomoera, rampadora. Sumobra ka din naman talaga. Tumodo sa edad na 19 anyos. Itinodo mo lahat, di ba?”

“Super gimikera talaga ako nu’n. And I just want to have fun talaga and makalimot ng problema.

“In short, tinatakbuhan ko ‘yung mga problem ko. Hindi ko siya hinaharap. Tinalikuran ko. So, nu’ng nangyari siya sa akin, hindi ako makapaniwala,” pag-amin ni Awra.

Ang payo naman ni Vice sa kanya, “So ang sinasabi mo mayroon ka rin mga stuggles sa sarili mo mayroon kang mga pinagdaraanan.

“Mayroon kang mga pinagdaraanan na ‘yun ang ginagawa mong outlet para makalimot, malampasan para ma-divert ‘yung attention mo kaysa ma stress ka sa mga pinagdadaanan mo, gigimik ka na lang with your friends.

“Hindi masamang tumakas paminsan-minsan. Lalo na kapag ang sakit-sakit na? Tumatakas talaga tayo. Pero kailangan, alam natin na ‘yun ang solusyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kailangan, tatakas ka sandali para magpalakas lang. Pero kailangan mong balikan ang issues mo, kung ano man ang mga issues mo at harapin ‘yun at i-resolve. I hope you were able to realize that,” paalala pa ni Vice sa kanyang anak-anakan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending