Vice naantig sa batang nagpa-face paint: I wanna meet him

Vice naantig sa batang nagpa-face paint sa party: Awww! I wanna meet him

Ervin Santiago |April 14,2024
facebook
share this

Vice naantig sa batang nagpa-face paint sa party: Awww! I wanna meet him

Ervin Santiago - April 14, 2024 - 04:43 PM

Vice naantig sa batang nagpa-face paint sa party: Awww! I wanna meet him

Vice Ganda ipinahanap ang batang nagpa-face paint sa birthday party

IPINAHANAP ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda ang batang lalaki na viral na ngayon sa social media dahil sa kanyang pagpapa-face paint.

Naantig ang kalooban ng TV host-comedian nang mapanood ang video ng bata na nag-aalangang pumila sa “Face Paint” corner ng isang birthday party.

Ang akala kasi nito ay may bayad ang pagpapa-paint sa mukha kaya parang nahihiya siyang lumapit sa artist na siya ring nag-upload ng video sa TikTok.

Base sa naturang video, mukhang matagal nang nandu’n ang bagets at pinapanood ang iba pang mga bata habang nilalagyan ng iba’t ibang design ang kanilang mga face.

Kitang-kita sa mukha ng batang lalaki na gustung-gusto rin niya itong subukan kaya nang lumapit siya sa artist ay nahihiya pa siyang nagtanong kung may bayad ba ito.

Baka Bet Mo: Heart ibinandera ang painting ng ‘babaeng may luha’, may pinaghuhugutan nga ba?

Napa-smile naman ng pagkatamis-tamis ang bagets nang malamang free ang face painting at nang tanungin kung ano ang gusto niyang ipa-design sa kanyang mukha ay sinabi nitong, “Spiderman po.”

Maraming netizens ang na-touch sa video ng bata, kabilang na nga si Vice Ganda na ni-repost pa ang TikTok video sa kanyang X account. Nais daw itong makilala ng komedyante.


Sabi niya sa caption, “Awwww!!! Who knows this kid? I wanna meet him!”

Nangako naman ang ilang netizens na tutulong sa paghahanap sa bata at sa contact details ng mga magulang nito.

Narito ang ilan lang komento ng netizens sa nakaaantig ng video.

“This makes me teary-eyed because it reminds me of my childhood. We were so poor that time to the point I couldn’t even afford to buy a pair of slippers.”

“Kindness is contagious! But this kind of kindness could change one’s life for the better. The world will be a better place if each one of us could do at least good one act like this in our lifetime.”

“Sana mahanap na. naiiyak ako ng pinanood ko to kagabi alam ko kasi yung feeling na umattend ng birthday party na halos lahat gayak na gayak samantalang ako nakapambahay lang  nakakahiya  kumain kasi parang outcast ako.”

“It is the smallest of things that only a child can see, enjoy, and appreciate. Wishing you a well future kid!”

Baka Bet Mo: Maxene na-shock; may nadiskubreng koneksyon sa amang si Francis at asawang si Rob

“Also saw that vid on tiktok, huhu too soft. if you gonna ever meet that kid po pls hug him so tight for me na rin as well hihi. God bless you vicey!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isa namang netizen na tila hindi nagustuhan ang post ni Vice. Pambabasag nito dsa TV host, “For clout. I-vvlog upload sa YT. Konting tulong lang ibibigay. Yung kita ni vice ganda. Magging triple. Galing talaga. Wag mong gamitin ang bata.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending