Vice Ganda sinita ng netizen sa 'pamimisikal' kay Anne Curtis

Vice Ganda sinita ng netizen sa ‘pananakit’ kay Anne Curtis

Therese Arceo |April 13,2024
facebook
share this

Vice Ganda sinita ng netizen sa ‘pananakit’ kay Anne Curtis

Therese Arceo - April 13, 2024 - 07:44 PM

Vice Ganda sinita ng netizen sa 'pananakit' kay Anne Curtis

Vice Ganda at Anne Curtis

MUKHANG hindi na napigilan ng isang netizen ang mag-react sa “physical hosting” ng “It’s Showtime” hosts na pinangungunahan nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Anne Curtis, at iba pa.

Nitong April 13, Sabado, inilabas ng netizen ang kanyang saloobin sa X (dating Twitter) tungkol sa kanyang naging obserbasyon na napanood niyang clip ng kulitan ng dalawa sa noontime show.

Sey ng netizen, wala naman daw problema sa asaran at kulitan nina Vice at Anne ngunit huwag naman sanang umabot sa pisikal na pananakit.

May napanood kasi ito sa segment ng show na “Tawag Ng Tanghalan” kung saan sinabunutan umano ng komedyante ang aktres.

“Ok lang yung mag bwisitan at asaran pero wag mong pisikalin si Anne Meme, respect mo parin pagiging babae nya.

“I have watched one time sa Tawag ng Tanghalan biniro ka ni Jhong may nilagay sa buhok mo tapos bigla mong sinabunutan si Anne napagbintangan mo sya. Respect mo parin sya,” talak ng netizen.

Baka Bet Mo: Vice Ganda pang-asar nga ba kay Cristy Fermin ang ‘bwak bwak’ post?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad namang sumagot si Vice sa pangangaral ng netizen at sinabing may pagkakaintindihan sila ni Anne.

“Kami mo po ang may relasyon kaya kami po ng magdedecide kung paano kami maghaharutan. Iba iba po ang dynamics ng mga magkakaibigan,” sagot ng komedyante.

Samantala, umani rin ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang sagot ni Vice sa naturang netizen.

“almost 15yrs na kayong magkaibigan at naghaharutan ni Anne,ngayon ka lang ininform kung pano mo sya haharutin ng tama sa panlasa nila,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa sa hanash ng netizen kila Vice at Anne, “First time yata ni che makanuod ng showtime physical hosting na prepandemic pa uso.”

“Yes.. alam po nila limit nila.. they have so much respect for each other and pag yung time na naoover,naguusap sila sa back stage kaya nga diba mahabang magmessage si Anne,” sey naman ng isa pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending