Vhong pangarap makatrabaho si Bitoy: Marami akong matututunan

Vhong pangarap makatrabaho si Bitoy: Marami akong matututunan sa kanya!

Ervin Santiago |March 24,2024
facebook
share this

Vhong pangarap makatrabaho si Bitoy: Marami akong matututunan sa kanya!

Ervin Santiago - March 24, 2024 - 06:58 AM

Vhong pangarap makatrabaho si Bitoy: Marami akong matututunan sa kanya!

Vhong Navarro at Michael V

KUNG may isang Kapuso star na gustung-gustong makatrabaho ni Vhong Navarro, yan ay walang iba kundi si Michael V.

Ngayong mapapanood na rin ang “It’s Showtime” sa GMA Network kung saan isa sa mga regular host si Vhong, hindi na imposibleng maka-work niya ang ilang Kapuso actors.

Nang matanong kung sino sa mga GMA stars ang nais niyang maka-collab in the future, mabilis niyang binanggit ang pangalan ng comedy genius na si Bitoy.

Nagbigay ng ilang rason ang veteran comedian kung bakit si Michael V ang isa sa mga unang Kapuso star na gusto niyang makatrabaho kapag nabigyan ng pagkakataon.

Baka Bet Mo: Piolo type makatrabaho sina Kathryn at Sharon; OK sa reunion nila ni Juday

“Sa mga kuwento ni Kuya Ogie (Alcasid, co-host niya sa It’s Showtime) parang kapag nakasama ko siya, bukod sa tawanan, marami akong matututunan sa kanya.

“Kasi ang Michael V. ay isa sa mga haligi sa komedya na gusto ko siya makatrabaho,” pahayag ni Vhong.

Samantala, magkahalong kaba at excitement naman ang nararamdaman ni Vhong para sa pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA Network simula sa susunod na buwan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam n’yo sobrang excited na ako na mag-April 6 kasi ‘yung pagtanggap n’yo sa amin sobrang alam mong napakatotoo, talagang welcome na welcome kami.

Baka Bet Mo: Kuya Kim pangarap ding makatrabaho si Bitoy sa Bubble Gang; may bwelta sa bashers

“Kaya naman gusto naming ibalik ‘yun nang doble ‘yung saya na ipapakita namin sa ating Madlang Kapuso para ibalik ‘yung mainit na pagtanggap n’yo sa amin,” sey pa ng komedyante at TV host.

Nitong nagdaang Miyerkules, pumirma na nga ng kontrata ang “It’s Showtime” sa GMA Network kung saan nagkita-kita at nagsama-sama ang mga bossing ng ABS-CBN at ng Kapuso station.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Vhong, present din sa contract signing sina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Amy Perez at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending