Piolo type makatrabaho sina Kathryn at Sharon; OK sa reunion nila ni Juday
WISH ng Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual na makatrabaho si Kathryn Bernardo at ang Megastar na si Sharon Cuneta.
Never pang nakatrabaho ni Papa P sina Kath at Mega kaya sana raw ay mabigyan din siya ng pagkakataon na makasama sa future projects ang dalawang Kapamilya superstar.
Sa panayam ng ABS-CBN sa award-winning at box-office actor, natanong nga siya kung sinu-sino pa ang gusto niyang maka-work pagkatapos ng very successful niyang Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Mallari.”
View this post on Instagram
Bukod dito, bibida rin siya sa upcoming Kapamilya series na “Pamilya Sagrado” under Dreamscape Entertainment. Ito ang follow-up series niya after “Flower of Evil” na umere noong 2022.
Baka Bet Mo: Piolo ibinunyag na may reunion project kasama sina Diether, JLC, Jericho: ‘It could turn into a TV series or movie’
Ayon kay Papa P, mas gusto niyang gumawa ngayon ng mga out-of-the-box projects dahil, “Nag-iiba ‘yung landscape ng entertainment industry. Hindi ka na stuck sa romcom genre kung saan ka nakilala.”
Sagot ni Piolo nang matanong nga kung sino pa ang pangarap niyang makasama sa serye o pelikula, “Ang dami kong naiisip!
“Top of mind, Kathryn Bernardo. We belong to one management, kaming dalawa ay minamanange ni Tita Lulu (Romero), I have high respects for her work ethic saka yung professionalism niya,” sey ng actor-singer at producer.
Pagpapatuloy niya, “There’s another one, si Mega. Sharon Cuneta. I haven’t worked with her.”
At sa question naman kung sino sa mga nakatambal niya noon ang gusto niya uling makasama ngayon, ang agad na sagot ni Piolo ay ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.
View this post on Instagram
“And then, if there’s one person that I’ve worked with that I want to work with again, Juday. I’ve always expressed my interest,” sey ni Papa P.
Baka Bet Mo: David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: ‘Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila’
“Is that concept moving? Meron bang scripts?” ang sundot na tanong sa kanya sa panayam ng ABS-CBN.
“Wala eh. Ayaw ni Juday, so okay lang din. Pero sabi ko, should there be a time na mag-open siya, sabi ko yes of course,” pag-amin ng aktor.
Kung may isang proyekto naman na nasimulan niya noon na hindi natuloy at gusto sana niyang gawin uli ngayon, yan ay ang teleseryeng pagsasamahan sana nila nina Toni Gonzaga at Jolina Magdangal.
“There’s this one ‘yung ‘Written in the Stars’ the one with Tin (Toni). Kasi ipinost ni Jolina nu’ng isang araw yung mga pictures namin, maganda ‘yun eh. Parang ‘Ghost’ ‘yung concept, the one with Demi Moore and Patrick Swayze.
“We did the pilot pero dumaan sa masusing critics kaya hindi natuloy,” kuwento pa ni Piolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.