Sharon Cuneta ‘bumawi’, pinutol din ang ulo sa picture: It’s a tie!
“ETO na po – It’s a tie!”
Ganyan ang naging hirit ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang bagong post kalakip ang picture na makikitang naka-crop ang kanyang ulo kasama ang kanyang pamilya.
Mukhang bumawi ang batikang mang-aawit sa nag-viral niyang Christmas greeting kaya ito ang ibinandera niya.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo tampok sa report ng ‘TV Patrol’, pambawi nga ba sa hindi pagbanggit sa unang ulat?
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang naging post ni Sharon nitong bisperas ng Pasko.
Ibinandera niya kasi ang isang larawan na kasama ang mga anak, ngunit agaw-pansin ang isang tao na putol ang ulo sa picture.
Ang hinala ng marami, ito ang kanyang mister na si Senador Kiko Pangilinan.
Dahil diyan, nagtaka ang madlang pipol kung sinadya nga ba ng batikang singer na huwag isama sa larawan ang asawa.
Anyway, deleted na ang dalawang picture sa kanyang social media accounts at pinalitan na ito ng kanilang bagong family picture.
Ang paliwanag niya sa bagong post, “De-delete ko na po ‘yung pugot ulo ako sa baba ayaw ni sister Lala ko!”
Nabanggit din ng singer na ang nasabing litrato ay kinunan bago dumalo sa “Gabi ng Parangal” ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
“Pamily Ficture papunta po sa MMFF Gabi ng Parangal ngayon,” caption niya.
Baka Bet Mo: Sylvia bumawi sa pamilya matapos sumabak sa lock-in taping; may ‘hamon’ sa asawa
View this post on Instagram
Magugunita na kabilang sa official entry ng MMFF 2023 ang pelikula ni Sharon na “Family of Two” kasama ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
Nagwagi ito ng “Best Supporting Actress” para sa mahusay na pagganap ni Miles Ocampo.
Ang pelikula ay tungkol sa pagmamahal ng isang single mother sa kanyang anak at ang pagtulong ng anak na mahanap ang bagong pag-ibig ang kanyang ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.