Sharon Cuneta sa 2nd marriage: 'It’s still a struggle to keep it going'

Sharon Cuneta sa kanyang 2nd marriage: ‘It’s still a struggle to keep it going’

Pauline del Rosario |December 16,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta sa kanyang 2nd marriage: ‘It’s still a struggle to keep it going’

Pauline del Rosario - December 16, 2023 - 07:36 PM

Sharon Cuneta sa kanyang 2nd marriage: 'It’s still a struggle to keep it going'

PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta

SA matagal na panahon, talaga namang naging open pagdating sa relasyon si Megastar Sharon Cuneta – mula sa unang asawa na si Gabby Concepcion hanggang sa ikalawa niyang mister na si Senador Kiko Pangilinan.

Sa naging panayam with TV host Luis Manzano, chinika ng batikang singer ang ilan sa mga naging pagsubok pagdating sa kanyang lovelife.

Ayon pa nga sa kanya, ang tanging hindi lang ibinigay sa kanya ay ‘yung magkaroon ng “stable marriage.”

“I’m very grateful for all the things I’ve been blessed with, but you know what’s funny, Lord, ‘wag po kayo magagalit sakin, ikukwento ko lang,” sey ni Sharon.

Kwento niya, “Isa lang ‘yung dinasal ko na lahat binigay sakin pwera ‘yun, kasi ‘nung bata ako ang gusto ko lang magkaasawa ako, magkaanak, tapos aalagaan ko lang ‘yung asawa at mga anak ko.”

Baka Bet Mo: Hugot ni Julia: ‘Sa dami nang nakakatrabaho natin, kung may genuine na tao…si Alden ‘yun!’

Pagtanto pa ng singer, kahit nagkaroon na siya ng ikalawang pagkakataon na magmahal muli ay tila nag-struggle pa rin daw siya dahil magkaiba ang pananaw nila sa buhay ng kanyang current partner.

“I got married the first time; obviously, it failed,” sambit niya.

Patuloy niya, “It’s still a struggle to keep the second marriage going—always, always a struggle.”

“Magkaiba ang direction namin. He’s a politician, and you know I hate politics. Magkaiba kami, but we managed to make it work,” paliwanag pa ni Sharon.

Sinabi rin ng Megastar na ang mga anak nila ang nagiging dahilan kaya nagsasama pa rin sila ng mister na si Senador Kiko.

“Number one because we love our kids and we’re both respectable people,” saad ng batikang singer.

Wika pa niya, “Meron na parehong matinong tao, parehong mabait, parehong disente na hindi nakikita ng tao, ‘yung nangyayari inside the bedroom or inside their house, kapag sila na lang, so wala na sila doon.”

“So dalawang matinong tao na hindi magkasundo, so kailangan maghiwalay kasi isa lang ang buhay,” ani pa ni Sharon.

Kung maaalala, taong 2022 nang ibinunyag ng 57-year-old actress na anim na buwan tumagal ang tila “lover’s quarrel” nila ng asawa na akala nila ay hahantong na sa hiwalayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng reunion concert si Sharon kasama ang dating mister na si Gabby at anak nila na si KC Concepcion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending