Hugot ni Julia: ‘Sa dami nang nakakatrabaho natin, kung may genuine na tao…si Alden ‘yun!’
DIRETSAHANG inamin ni Julia Montes na may mga “struggles” din siya sa kanyang personal na buhay bukod pa sa mga “tanong” niya sa sarili na mahirap sagutin.
Yan ang isa sa mga naibahagi ng Kapamilya actress nang mag-guest sila sa “Magandang Buhay” last Monday para sa promo ng kanilang movie na “Five Breakups and a Romance” directed by Irene Villamor.
Sa unang bahagi ng programa, napag-usapan muna ang unang pagtatambal nina Alden at Julia sa pelikula na inaabangan na ng kanilang mga tagasuporta.
Baka Bet Mo: Rica grabe ang sakripisyo matapos makunan ng 3 bases: ‘Napakahirap…every time is a new struggle’
“Masaya po kami na nabigyan kami ng opportunity. Now that ‘yung industriya natin talaga is really into collaboration, iisa lang naman po talaga ang opbjective natin is makapabigay ng quality entertainment sa mga Filipino,” sey ni Alden.
Chika naman ni Julia, “Saka ‘yung balik-cinema naman po tayo ulit. Kasi ‘yun ‘yung matagal na nawala sa atin after pandemic.
“At saka ‘yung the whole experience namin sa film. Meaningful po sa amin itong film na ito,” ani Julia.
Dagdag pahayag pa ng Asia’s Multimedia Star, “This movie was a blessing, being able to work with you with all our staff especially to Direk Irene.
“With Julia nasabi ko na rin sa kanya dati ito, may usapan kami on and off cam. You are a blessing to me, ‘yun ang parang isa sa mga na-appreciate ko.
Baka Bet Mo: Sharon: Sa dami ng mga ‘anak’ ko sa showbiz, pinakaminahal at minamahal ko si Julia…napakatotoong tao!
“You know anyone who has you in their lives are blessed people. I am proud to say that in this lifetime I’ve met someone like Julia Montes,” pagbabahagi pa ng Pambansang Bae.
Para naman kay Julia, “This project sobrang blessing siya sa akin. Personally mayroon akong struggles na ang dami kong tanong sa sarili ko, ang dami kong hindi maharap sa sarili ko.
“And then this project especially Alden tinuruan niya ako na tingnan kung ano ang kaya kong gawin. Ipinaramdam niya sa akin ‘yung appreciation.
“Parang ‘yung worth ko ay naramdaman ko sa film na ito. Importante po kasi sa akin sa dami nating nakakatrabaho sa industry ‘yung genuine ‘yung tao and si Alden ‘yon,” ani Julia.
Showing na ngayong araw, October 18, sa lahat ng sinehan nationwide, ang “Five Breakups and a Romance”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.