Sharon: Sa dami ng mga 'anak' ko sa showbiz, pinakaminahal at minamahal ko si Julia...napakatotoong tao! | Bandera

Sharon: Sa dami ng mga ‘anak’ ko sa showbiz, pinakaminahal at minamahal ko si Julia…napakatotoong tao!

Ervin Santiago |January 09,2023
facebook
share this

Sharon: Sa dami ng mga ‘anak’ ko sa showbiz, pinakaminahal at minamahal ko si Julia…napakatotoong tao!

Ervin Santiago - January 09, 2023 - 09:49 AM

Sa dami ng mga 'anak' ko sa showbiz, pinakaminahal at minamahal ko si Julia...napakatotoong tao!

Julia Montes at Sharon Cuneta

MAY special pa-shoutout ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta para sa Kapamilya actress na si Julia Montes.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ate Shawie ng picture nila ni Julia kalakip ang madamdaming mensahe para sa kanyang anak-anakan.

Ayon kay Mega, talagang mahal na mahal niya ang rumored partner ni Coco Martin at parang tunay na mag-ina na raw ang turingan nila sa totoong buhay.

Nagsimula ang magandang relasyon nina Sharon at Julia nang magkasama sila sa hit Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan ni Coco.

At hanggang ngayon nga ay napanatili nina Mega at Julia ang kanilang friendship. Sabi ni Sharon, napatunayan niya kung gaano kabuting tao ang aktres kaya naman bilib na bilib siya rito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“Talagang sa dami ng mahal kong mga ‘anak’ sa showbiz, pinakaminahal at minamahal ko si Julia @montesjulia08 ko!” ang simulang bahagi ng caption ng OPM at movie icon sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa niya, “Hanggang ngayon solid na solid ang friendship at pagiging ‘mag-ina’ namin. Halos araw-araw nagtetextan kami.

“At napakatotoong tao, napakaganda ng puso ng batang ito. Nu’ng birthday ko tinanong nya ako kung kailan ako sa house lang sabi ko today kasi may event ako last night.

“Tapos kanina nagpadala sya ng niluto nya mismo na lengua (isa sa favorites ko) at maliit na lechon!” aniya pa.

Itinuturing din daw niyang blessing ang pagdating ng aktres sa buhay niya, “Anak, talagang God sent you to me. You are one of the best gifts He gave to me in 2022 and I will forever be grateful to Him for that!

“I miss my happy place – our FPJAP set and family…I miss you. Thank you for loving me and always making me happy!

“I love you very much baby ko. See you SOOOOOOON! Yaaay!!! lahad pa ni Sharon.

Narito ang ilang komento ng IG followers ni Sharon sa message niya para kay Julia.

“Mom and daughter thing! Wish u two a movie together! Sana rin Vi and Sharon movie!”

“I love this so much, mama sha & juya. pls see each other soon!”

“Ang ganda nyo pong tignan, God bless you both.”

“Missing the Guillermo-Hidalgo Family. Dahil diyan, makapag marathon nga ng FPJAP episodes na story ng Guillermo-Hidalgo family.”

“Tutulog na sana ako kasi i have school pa po tomorrow and then nag notif to hindi naman pwedeng hindi ko maopen noh ganon kita ka love mama shawiee!!!”

“Sana magkaroon kayo teleserye ate julia mommy sharon.”

“Goodnight mama shawie thank you for making my day complete i love you! Wish me goodluck for my school tomorrow.”

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Julia Montes umaming super in love ngayon; ‘yes’ agad ang sagot kapag niyayang pakasal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending