Sharon Cuneta 'pinutol' ang ulo ni Kiko Pangilinan?

Sharon Cuneta ‘pinutol’ ang ulo ni Kiko Pangilinan?

Therese Arceo |December 26,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta ‘pinutol’ ang ulo ni Kiko Pangilinan?

Therese Arceo - December 26, 2023 - 05:11 PM

Sharon Cuneta 'pinutol' ang ulo ni Kiko Pangilinan?

USAP-USAPAN ngayong ng madlang pipol ang naging Christmas greetings ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Nitong bisperas ng Pasko, nag-post si Sharon sa kanyang Facebook page ng larawan niya kasama ang mga anak.

“Merry Christmas from me and my four angels (my gremlins)!!! Love you all![Christmas tree, heart, and praying hand emojis],” saad ni Sharon sa caption.

Ngunit mapapansin sa larawan na may isang tao na putol ang ulo sa picture na hinihinalang si Kiko Pangilinan.

Kaya naman nagtataka ang madlang pipol kung sinadya nga ba ni Sharon na huwag isama sa larawan ang asawa.

May iba na nagsasabing sana raw ay pumili na lang ng ibang larawan kesa pinutol pa ang larawan para hindi makita ang dating senador.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta miss na miss si KC Concepcion sa pagdiriwang ng Noche Buena

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May ilan naman na nagsasabing baka gusto lang ni Sharon na maging maingay ang pangalan lalo na’t may movie entry sila ngayon sa Metro Manila Film Festival na pinamagatang “Family of Two“.

Narito pa ang ilang komento ng madlang netizens.

“Why naman may pagputol ng ulo ni Sen Kiko Pangilinan??” saad ng isang netizen sa post ni Sharon.

Comment naman ng isa, ““May something na naman sa kanila ni kiko…. [sad emoji]”

Sey naman ng isa sa post ni Sharon, “The photo says it all. May you find the true happiness and peace this season. Stay strong and positive, my idol since elementary days.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Guys, mukha okay naman sila Madam Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan. Baka pinutol lang ulo kasi yung caption ni Madam, ‘Merry Christmas from me and my four angels’. Support natin movie nila ni Alden Richards,” hirit naman ng isa.

Wala pa namang pahayag ang Megastar hinggil sa mga komento ng netizens sa napansing cropped photo na in-upload niya sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending