Sharon Cuneta miss na miss si KC Concepcion sa Noche Buena

Sharon Cuneta miss na miss si KC Concepcion sa pagdiriwang ng Noche Buena

Pauline del Rosario |December 25,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta miss na miss si KC Concepcion sa pagdiriwang ng Noche Buena

Pauline del Rosario - December 25, 2023 - 11:45 AM

Sharon Cuneta miss na miss si KC Concepcion sa pagdiriwang ng Noche Buena

PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta

SA gitna ng pagdiriwang ng Noche Buena ngayong Kapaskuhan, ibinandera ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang pangungulila sa anak na si KC Concepcion.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sharon ang isang litrato ng bakanteng upuan na naka-reserve para kay KC.

Ayon sa batikang singer, miss na miss na niya ang anak.

“One seat empty but place still set. I miss you, KC…[single tear emoji],” caption niya.

Mensahe pa ni Sharon sa anak, “Have fun with your Papa. I love you. Merry Christmas baby…[emojis]”

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta never ginustong hindi sumikat si KC: Kung mayroon mang naglagay no’n sa utak niya, patawarin ka ng Diyos

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Maraming netizens naman ang tila naiyak sa post ni Sharon at narito ang ilan sa mga komento nila:

“Kaiyak to! Katouch!!! You are every daughters dream to have for a Mom! Merry Christmas Megastar!!! I’m sure she’s thinking about you too! [heart emoji]”

“Ba’t ako naiyak [single tear emoji] I’m sure miss ka rin niya mama [emojis] since first time n’yang ‘di ka niya kasama sa Pasko [Christmas tree emoji]”

“I know it’s hard Ate Shawie… Your three children is still there and I’m sure it makes them sad to see you sad on Christmas [emojis]”

“Nakakalungkot naman pero ok lang ‘yan mama sha…minsan lang niya makasama papa niya.”

Baka Bet Mo: KC Concepcion malalim ang hugot tungkol sa pamilya: ‘Ginagawa ko po ang lahat para maging mabuting anak at mabuting ate’

Samantala, tila excited naman si KC na magdiriwang ng Pasko dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama niya ang kanyang ama na si Gabby Concepcion.

“I’m flying to Los Angeles to celebrate with my father’s side of the family- for the very first time in my life! [holding back tears emoji]” saad niya sa IG.

Mababasa rin sa caption na pinasalamatan niya ang ina dahil ito raw mismo ang nag-encourage sa kanya na gawin ito.

“Thank you mama for encouraging me to spend time with popps this Christmas!” wika niya sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

Magugunita noong Oktubre nang magkaroon ng reunion concert sina Sharon at Gabby na lubos na ikinatuwa ni KC.

“Guys alam n’yo ako lang ang anak nila! So, I don’t think nararamdaman ng iba ‘yung nararamdaman ko about this reunion kasi mixed emotions,” sey niya sa isang interview.

Dagadag niya, “But of course, nanaig ‘yung happiness ko kasi pangarap kong makita ‘yung parents ko na masayang nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo (at) magkaibigan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang ikinasal sina Sharon at Gabby noong 1984, pero hindi rin nagtagal ay nagkahiwalay ang couple at ang kanilang marriage annulment ay kinumpirma noong 1987.

Sa ngayon ay masaya na sa kanya-kanyang pamilya ang dalawa.

Si Sharon ay ikinasal kay dating senador Francis “Kiko” Pangilinan, habang si Gabby naman ay kay Genevieve Gonzales.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending