KC Concepcion bet isulat ang talambuhay, may isang wish: I really would like for my mom and I to be best friends again | Bandera

KC Concepcion bet isulat ang talambuhay, may isang wish: I really would like for my mom and I to be best friends again

Reggee Bonoan |September 09,2023
facebook
share this

KC Concepcion bet isulat ang talambuhay, may isang wish: I really would like for my mom and I to be best friends again

Reggee Bonoan - September 09, 2023 - 08:01 PM

KC Concepcion bet isulat ang talambuhay, may isang wish: I really would like for my mom and I to be best friends again

IBINUKING ni KC Concepcion na sobrang pinaghahandaan ng kanyang Mama Sharon Cuneta ang nalalapit na concert nila ng Papa niyang si Gabby Concepcion.

Sa panayam ni KC sa “Updated with Nelson Canlas” uploaded sa GMA Integrated News kagabi ay inamin niyang ang sexy ngayon ng mama niya.

“Ang nanay ko nagpa-sexy talaga. Ang bata-bata niyang tingnan. (Sabi ko) paano maniniwala ang mga tao na anak n’yo ako? She looks so much younger that ever before now.

“Kasi nga healthy living, nagpapayat, so, she’s so beautiful. Gandang-ganda ako sa nanay ko talaga lalo na sa concert stage, gandang-ganda ako sa kanya! ‘Yung favorite version ko ng mommy ko is the concert version.

“I cannot imagine my mom ng walang hawak na mic at hindi kumakanta sa stage, it’s really my favorite version of her,” pagtatapat ng anak nina Gabby at Sharon.

At dahil sobrang promote ni KC ang concert ng magulang niya ay natanong tuloy ni Nelson kung ito ang producer ng show na gaganapin sa MOA Arena sa Oktubre 27.

Tanong ng host, “ikaw ‘yung producer?”

Sagot kaagad ng aktres,“ay hindi, wala akong kinalaman diyan. Mayroon kaming final meeting for final, final concept pero marami rin kaming nagawa to build the script. In fact, this is really their concert.”

Baka Bet Mo: KC Concepcion sa pagkakaroon ng broken family: Minsan mapi-feel mo na mag-isa ka lang sa gitna

Pero kasama raw siya sa show at hindi lang niya sasabihin kung ano, “Ha, ha, haha, secret!”

Tama lang na nandoon si KC dahil siya raw ang link, sabi ng Updated host.

“Oo nga, eh, hindi ko na-realize ‘yung role ko until kinausap nila ako about the concert, it’s in the works and ready and kahit bukas na nila i-present,” pagsang-ayon ng dalaga.

At binanggit din ni KC na hindi pa talaga nagkikita ang magulang niya.

“Hindi pa nagkikita sina Mama and Papa. Hindi sila magkikita until siguro rehearsals na, kahit ‘yung pictorial for posters hindi sila nagkikita,” pambubuking nito.

Ang pictorial ng poster ay kinunan ng magkaibang araw at ipinagdugtong na lang na halata rin dahil ang layo ng pagitan nila sa isa’t isa.

Ang lahat daw ng makakapanood ng show ng magulang niya ay for sure na maiiyak

“Good tears, happy tears. I’m very excited also kasi it’s my real life! So, hindi lang show or concert for me it’s really groundbreaking moment ‘yun. It’s very special time for me as their only daughter together (sabay muwestra ng dalawang kamay).

“Nangyari ngayon 30’s na ako, I don’t think kakayanin ko ‘to lets say 22 (years old) lang ako, oh my God hindi siguro ako makakagalaw kapag nakarating na ako ro’n,”pahayag pa ng dalaga.

Nagbalik-tanaw din si Nelson bilang fan boy ng loveteam ng magulang ni KC ay tanda pa niya noong bata pa ang dalaga at kung paano siya naging superstar sa paningin ng lahat na sa bawa’t kibot ay inaalam ng publiko.

At nagpapasalamat ang aktres dahil pareho niyang nasubukan mamuhay ng pribado at nasa mata ng publiko.

Ang intriguing question ni Nelson ay may parte ba sa buhay ni KC na gusto niyang i-rewrite? Nabanggit kasi ng dalaga na plano niyang isulat ang kanyang talambuhay.

“Wow, big question, ha, hahaha. Of course they are! You know I wish I really would like for my mom and I to be best friends again. There’s a lot of years that have gone by na siyempre may mga destructions kami and I know later on in life, we would be better than ever.

“Hindi mawawala ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa and one day pag ikinasal na ako at pag nagka-anak na ako (of course) I would like to have children in the future, I think that would bring my mom and I closer than ever and I want her to know na mahal na mahal ko siya and loyal ako sa kanya, nanay ko siya! Dugo niya dugo ko, so alam mo ‘yun? Kaya excited ako for the concert kasi hindi ko talaga ini-expect at kaya siguro ako nandito (sa Pilipinas),”paliwanag ni KC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
KC Concepcion may bagong hugot tungkol sa katotohanan, mga netizens nakisimpatya: ‘It’s about time to think about your own happiness’

Gabby botong-boto sa dyowang bank manager ni KC, pero aprub din kaya Mega?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending