KC Concepcion sa pagkakaroon ng broken family: Minsan mapi-feel mo na mag-isa ka lang sa gitna
NAGHAYAG ng kanyang saloobin ang actress-singer na si KC Concepcion ukol sa pagiging produkto ng isang broken family.
Aware naman ang lahat na ang dalaga ang nag-iisang anak ng dating mag-asawang sina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
At sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay nag-open up nga si KC kung ano ang kanyang mga pinagdaraanan habang lumalaki.
Aminado ang dalaga na nakararamdam siya ng pakiramdam na “mag-isa” lalo na’t may kanya-kanyang pamilya na ang mga magulang matapos itong maghiwalay.
At dahil nga wala nama siyang choice kundi magkaroon ng blended family ay may pakiramdam si KC na kinakailangan niyang magkaroon ng relasyon sa parehong side ng kanyang mga magulanf.
“Ako lang ang pilit talagang nakikipagkita sa lahat ng involved sa blended family ko. Feeling ko, parang naging responsibilidad kong maging okay sa lahat, and to make sure na may relationship ako sa lahat. Kasi family is very important for me. I love family,” pagbabahagi ng panganay ng Megastar.
Naging bukas rin si KC sa kanyang mga nararamdaman at aminado itong hindi lahat ay nage-gets kung ani ang kanyang pinagdaraanan bilang anak mula mula sa broken marriage.
“Yung mga pamilya po na buo, yung hindi nakaranas ng hiwalayan, hindi nakaranas ng nawalay sa isa’t isa, baka po mahirapan maintindihan yung mga blended family…
“O yung mga bata na katulad ko na lumaki sa kakaibang situation pagdating sa family,” saad ni KC.
View this post on Instagram
Aniya, kahit pa nga raw ang ilan na buo ang pamilya ay hindi pa rin perpekto ang relasyon.
Lahad ni KC, “And even families na buo, hindi perfect. Kahit sabihin mong kumpleto naman ang pamilya mo, nandiyan ang nanay [at] tatay mo, tutok naman sila… May ate ka pa nga, may kuya ka pa nga, bakit hindi pa rin perfect?
“[I] think ‘yun na ‘yung acceptance na tao lang tayong lahat, kahit buo ‘yung pamilya, kahit hindi. Minsan may lumalabas pa nga from a broken family na mas gumanda pa ‘yung buhay because sa experience niya.”
May malalim rin hugot si KC na sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ng mga magulang ay kinakailangan pa rin niyang maging positibo.
“Alam niyo, siyempre, may pamilya na rin ang mother side ko, may pamilya na rin ang father side ko… Minsan, mapi-feel mo na mag-isa ka lang sa gitna. And ang important is gawin mo yung best mo na tratuhin mo nang tama, unang-una, yung sarili mo.
“Tanggap ko na ito yung pagkukulang sa buhay ko. Pero meron ako nito. Hindi lahat ng kapamilya makakasundo mo. Hindi lahat ng family magiging smooth yung relasyon. May time talaga na puwedeng hindi kayo okay,” ani KC.
Ngunit sa huli ay nakadepende pa rin daw ito sa level of maturity ng dalawang kampo kung paano magiging ok ang samahan.
“Para ikaw, makokontrol mo yung sarili mo. Yung ibang tao hindi mo makokontrol, pero yung sarili mo you can control yourself. So, kung sakali man na merong away o hindi pagkakaintindihan, it’s okay. It will be okay.
“And kung magkamali ka man, you make sure na you’re a better person, don’t look back, tuluy-tuloy lang. And kung sino yung meant sa iyo, babalik sa iyo,” sey pa ni KC.
Related Chika:
KC Concepcion ibinandera na ang mukha ng dyowang Fil-Swiss, nag-date sa France
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.