Gabby wish maging maayos na ang tampuhan nina Sharon, KC

Gabby wish maging maayos na ang tampuhan nina Sharon, KC: Everything should be fine…

Pauline del Rosario |October 13,2023
facebook
share this

Gabby wish maging maayos na ang tampuhan nina Sharon, KC: Everything should be fine…

Pauline del Rosario - October 13, 2023 - 09:33 AM

Gabby wish maging maayos na ang tampuhan nina Sharon, KC: Everything should be fine…

Gabby Concepcion, Sharon Cuneta, KC Concepcion

UMAASA ang batikang aktor na si Gabby Concepcion na magkakaayos din ang dati niyang asawa na si Megastar Sharon Cuneta at anak nila na si KC Concepcion.

Ito ay sa kabila na kahit inamin ng aktor na wala siyang masyadong alam sa umano’y hindi pagkakaunawaan ng mag-ina.

“Hindi ko nasusubaybayan but everything should be fine,” sey ni Gabby sa naging interview with “TV Patrol” recently.

Dagdag pa niya, “Ano naman sila e, nagsama naman sila nang matagal. Nanay naman niya ‘yon and anak naman niya yon, so….”

Baka Bet Mo: KC napaiyak nang balikan ang muling pagsasama nila ni Gabby after 15 years: ‘It was such a memorable moment…’

Kasunod niyan, nabanggit din ni Gabby na looking forward siya sa reunion concert nila ni Sharon kung saan ay makakasama din nila si KC.

Ayon pa nga sa aktor, isa itong emosyonal na oras para sa kanilang tatlo.

“I think she’s part of the show. As far as I know, she’s still part of the show,” sambit ng aktor.

Kung maaalala, naging headline ang umano’y misunderstandings ng mag-ina matapos kumpirmahin ni KC na in-unfollow niya ang kanyang stepdad na si Kiko Pangilinan at ang kanyang kapatid na si Frankie Pangilinan para sa kanyang “peace of mind.”

Sa kabila nito, ipinahayag pa rin nina Sharon at KC ang kanilang pagmamahal at suporta sa isa’t isa sa pamamagitan ng kani-kanilang social media pages.

Ang reunion concert ng dating mag-asawa na pinamagatang “Dear Heart” ay magaganap sa darating na October 27.

Naunang inihayag ni KC na halo-halo ang kanyang nararamdamang emosyon matapos niyang mabalitaan ang muling pagsasama ng mga magulang.

“Alam n’yo, ako lang ang anak nila! So, I don’t think nararamdaman ng iba ‘yung nararamdaman ko about this reunion kasi mixed emotions,” sabi ni KC.

Patuloy niya, “But of course nanaig ‘yung happiness ko kasi pangarap kong makita ‘yung parents ko na masayang nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo [at] magkaibigan.”

Nagsimula ang pag-iibigan nina Sharon at Gabby nang maging magka-love team sila sa 1981 film na “Dear Heart.”

Makalipas ang tatlong taon mula nang ipalabas ang nasabing pelikula ay ikinasal ang dating couple.

At matapos ang isang taon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon ng anak na si KC.

Pero hindi rin nagtagal ay nagkahiwalay ang dalawa at ang kanilang marriage annulment ay kinumpirma noong 1987.

Sa ngayon ay masaya na sa kanya-kanyang pamilya ang dalawa.

Si Sharon ay ikinasal kay dating senador na si Kiko, habang si Gabby naman ay kay Genevieve Gonzales.

Related Chika:

KC Concepcion bet isulat ang talambuhay, may isang wish: I really would like for my mom and I to be best friends again

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KC napaiyak nang balikan ang muling pagsasama nila ni Gabby after 15 years: ‘It was such a memorable moment…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending