Sylvia bumawi sa pamilya matapos sumabak sa lock-in taping; may ‘hamon’ sa asawa
FAMILY reunion ngayong araw, Abril 1 ng pamilya Atayde dahil kadarating lang ni Sylvia Sanchez galing sa lock-in taping ng “Huwag Kang Mangamba” sa Laguna.
Kaya naman ang gaganda ng mga ngiti ng mga anak nila ni Papa Art na sina Arjo, Ria, Gela at Xavi. Siyempre, muli nga nilang makakasama ang mama nila pagkalipas ng dalawang linggong pagkawala nito.
Ika-17 taong anibersaryo ng kasal nina Papa Art at Sylvia noong Marso 27 at hindi nila ito nai-celebrate physically kaya ngayon sila bumawi, at ang cute ng regalong cake na may design na mushroom ng mga anak nila.
May kuwento pala kung bakit ganu’n ang disensyo ng cake base sa caption ni Ibyang sa mga larawang ipinost niya sa social media kasama ang pamilya.
“January 1989. First date in Mushroom Burger Tagaytay. Years later, we got married in Tagaytay.
“Every time we go to Batangas and pass by Mushroom Burger, the church we got married in, and Taal Vista, I always have a smile on my face. I made the right decision to be with you.
“Bilis ng panahon noh? Now, we have our 4 mushroom burgers ha haha! lucky you! Dami pa nating plano at pagsasamahang kulitan at pikunan.
“I can’t thank God enough for having blessed me with you and our 4 beautiful children. Love you so much, panget. Pagaling ka at ‘wag na masungit at papayat na tayo hahaha! pero mauna ka.
“Thank u Arjo, Ria, Gela and Xavi for the cake, late celebration but worth it super grateful that you’re our kids, love u kiddos. Happy Anniversary! Happy afternoon.”
Anyway, palilipasin lang itong ilang araw na bakasyon ng Mahal na Araw at balik-taping na ulit ng “Huwag Kang Mangamba” ang aktes.
Ang “Huwag Kang Mangamba” ay gabi-gabing napapanood sa Kapamilya channel, A2Z at TV5 handog ng Dreamscape Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.