Vice Ganda excited na sa bagong movie: Ang swerte-swerte ko po!
FOLLOW UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kanina na gagawa si Vice Ganda ng pelikula under direk Jun Robles Lana.
Ang saya-saya ngayon ng TV host/actor dahil finally ay makaka-trabaho niya ang The Jun Robles Lana, ang direktor ng mga pelikulang humakot ng awards sa iba’t ibang film festival sa ibang bansa.
Ang mga pelikulang kaliwa’t kanan ang nakamit na awards ay ang mga pelikulang “Big Night”, “Anino sa Likod ng Buwan”, “Game Boys”, “Mahal Kita Beksman”, “About Us But Not About Us, Die Beautiful, at marami pang iba.
Dapat sana ay noong 2023 pa nagsama sina Vice at Direk Jun pero hindi natuloy dahil hindi nagkatagpo ang kanilang mga schedules.
Kaya finally, ngayong 50th year ng Metro Manila Film Festival ay tuloy na tuloy na at ang working title ng pelikulang gagawin nila ay “And The Breadwinner is…”
Sa programang It’s Showtime kaninang tanghali ay naroon si direk Jun dahil galing yata sila sa meeting nina Vice, producer/director Perci M. Intalan with the Star Cinema ay nagsabi si Vice ng masuwerte siya.
Baka Bet Mo: Vice Ganda, Direk Jun Robles Lana sanib-pwersa sa bagong movie project
View this post on Instagram
Aniya, “Ang swerte-swerte ko po! Magkakaroon ako ng pelikula na kasama si Direk Jun Lana, na ako, idi-direk ako ni Jun Lana at sila ang magsusulat ng pelikula. Napakaswerte ko! Kaya madlang people, this is it!”
Ayon kay direk Perci ay collaboration daw ang pelikula with direk Jun at Vice, “In fairness maayos ang brainstorming namin with Vice. Nakailang creative meeting na kami. Binuo talaga with Jun and Vice and ‘yung writers.”
Ang mga writers na kasamang bubuo nina direk Jun at Vice ay sina Daisy Cayanan-Mejares at Jonathan James Albano.
Sabi pa ni Vice, “first time malaki na ‘yung part na drama do’n sa film. Dati kasi ayaw ko talaga ng maraming drama kasi feeling ko hindi ko ‘yun strength. Pero the team has been convincing me, ‘no it’s your strength.”
Samantala, sisimulan ang shooting ng pelikula pagbalik nina direk Jun at Perci galing ng Europe
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.