Awra Briguela kay Vice Ganda: ‘I’ll make you, myself, and everybody proud!’
MAY pahabol na birthday message ang Kapamilya star na si Awra Briguela para sa kaarawan ng TV host-comedian na si Vice Ganda.
Sa Instagram, ibinandera ni Awra ang picture nila together ni Vice sa naganap na 48th birthday party sa Highland Bali Villas Resort and Spa sa Nueva Ecija.
Lubos niyang pinasalamatan ang komedyante at inilarawan pa nga niya ito bilang kanyang “savior” at “protector.”
“To my dearest mother, sister, mentor, savior, protector. I just wanna say thank you ‘cuz I won’t be here where I am right now if it’s not because of you,” caption niya sa IG.
Mensahe niya, “Thank you for being there when I needed you most especially during difficult times. You chose nothing but to trust, believe, and see the star in me. I’m very grateful for you being generous and for always giving me nothing but the genuine love, the genuine love that came from a genuine heart.”
Baka Bet Mo: Awra Briguela inaming ‘mentor’ si Coco Martin, nag-sorry dahil naiba ang career path
“All that I truly wish for is for you to receive all the genuine love as well and happiness every single day because that is what you deserve,” patuloy ng aktres.
Kasunod niyan ay tila ipinangako niya na magtatagumpay siya sa buhay at goal niyang maging “proud” sa kanya ang lahat.
“I also wish that you witness and see me succeed in life. I’ll make you, myself, and everybody proud,” sey ni Awra.
Pagbati pa niya kay Vice, “Happy Birthday, My Lovely Muder! I love you forever! [white heart emoji]”
View this post on Instagram
Kung matatandaan, hinuli si Awra noong June 29 ng nakaraang taon dahil sa rambulang naganap sa isang bar sa Poblacion, Makati City kung saan sinabing ipinatanggol lamang nito ang mga kaibigang babae dahil hinipuan umano ng isang lalaki.
Pero salungat ito sa inireport na CCTV footage ng nasabing bar kung saan ay nakita kung ano ang tunay na nangyari sa pagitan ni Awra at ng lalaking nagngangalang Mark Christian Ravena.
Ayon sa staff ng bar, humiling ang grupo nina Mark kay Awra na magpa-picture ngunit sabi raw ng aktres ay maghubad muna ang guy bago siya pumayag.
Makikita pa nga sa isang video clip na hinatak ni Awra ang t-shirt ni Mark hanggang sa matumba sila at mapunit ang damit ng lalaki.
Hindi raw maawat ang dating child star kahit anong pigil pang gawin ng mga bouncer hanggang sa lumabas na sa bar ang mga involved at nauwi na sa rambulan.
Nakalaya naman agad si Awra matapos makapagpiyansa sa halagang P6,000.
Dahil sa nangyari, si Awra ay naharap sa mga reklamong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault.
Kasunod niyan ay kumalat ang bali-balitang binitawan na umani ni Vice si Awra, pero ito ay pinabulaanan mismo ng komedyante at sinabing talent pa rin niya ang aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.