Awra Briguela inaming 'mentor' si Coco Martin, nag-sorry dahil naiba ang career path | Bandera

Awra Briguela inaming ‘mentor’ si Coco Martin, nag-sorry dahil naiba ang career path

Therese Arceo |April 09,2022
facebook
share this

Awra Briguela inaming ‘mentor’ si Coco Martin, nag-sorry dahil naiba ang career path

Therese Arceo - April 09, 2022 - 12:09 PM

Awra Briguela inaming 'mentor' si Coco Martin, nag-sorry dahil naiba ang career path

NAIS humingi ng tawad ni Awra Briguela sa kanyang naging mentor na si Coco Martin dahil hindi raw niya natupad ang pangarap para sa kanya ng aktor.

Sa kanyang interview sa vlog ng komedyanteng si Petite, ibinahagi niya kung sino ang limang taong nais niyang pasalamatan at gusto niyang hingian ng tawad.

Isa nga sa nabanggit ni Awra ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano” lead star na isa rin sa mga naging malapit na artista sa kanya.

Aniya, sa unang pagkikita pa lang daw nila ni Coco ay agad na siyang nakitaan nito ng potensyal.

Ang aktor rin ang personal na nagpasok sa kanya sa action series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na naging big break ni Awra sa kanyang showbiz career matapos niyang mag-viral noon sa isang Facebook video.

Naging bahagi ang dating child actor ng teleserye mula 2016 hanggang 2019.

“Si Kuya Coco lang yung isang tao lang na nag-handle sa akin talaga sa acting career ko kasi never akong nag-acting workshop. Never akong nagpaturo sa iba na um-acting, siya lang talaga ‘yung nagturo sa akin,” pagkukwento ni Awra.

Talagang tinutukan raw siya ni Coco sa kanyang pag-arte at ginawa siyang protégé ng aktor.

“Sa lahat ng eksena ko, nasa likod siya ng camera, nasa tabi siya ng camera. Yung pagiging professional ko sa trabaho, ‘yung hindi ako nale-late. Yung sobrang strict ko sa work, lahat ‘yun dahil kay Kuya Coco,” pagpapatuloy ni Awra.

Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa award-winning actor dahil hindi lang ito basta basta naging ka-trabaho para sa kanya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

 

“Thankful ako sa kanya kasi hindi lang siya naging kuya sa akin or co-artist, naging mentor ko talaga siya,” saad pa ni Awra.

Pero sa kabila ng kanyang lubos na pasasalamat ay ang paghingi niya ng tawad sa kanyang Kuya Coco.

Sey ni Awra, “Sorry kasi may mga bagay siguro akong nagagawa na hindi niya minsan nagugustuhan.

“Gusto niya kasi talaga maging actor talaga ako. ‘Yung as in Roderick Paulate, ‘yung kayang maglalaki, kayang magbakla. Versatile actor ang gusto niya sa akin pero hindi yun ang gusto ng puso ko.”

Paglalahad ni Awra, nais raw talaga niyang maging performer.

“Ang gusto ko maging performer na artist na kaya kong um-acting, kaya kong mag-perform. Yun ang isang bagay na gusto kong ihingi ng sorry kay Kuya.”

Sa naturang vlog rin ay inanunsyo ni Awra na bago na ang kanyang manager at ito ay walang iba kundi ang Unkabogable Star Vice Ganda.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Awra proud na napagtapos ang ama sa kolehiyo: Ako po yung umakyat sa stage para bigyan siya ng diploma

Awra nagpa-house tour sa bonggang bahay: Dito namin sasalubungin ang Pasko at New Year!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending